Takipsilim

Malapit nang gumabi nang makasakay ako sa jeep biyaheng papuntang Litex. Maaga kasi akong nakakapasok sa office kaya pinalipas ko ang ilang minuto para ma-adjust. Parang takipsilimang aking buhay sa ngayon. Sa palagay ko naraning ko na ang punto na wala na akong silbi sa mundo. Na gusto ko nang mawala na. Pagod na kasi ako sa lahat ng aspeto mapa-pisikal, emotional, mental etc. Pakiramdam ko naubos ko na ang lahat ng pwede kong gawin para lang makuntento at maging masaya sa buhay.

Sa pagkakataon na iyon biglang namuo ang luha sa aking mga mata at salamat na lang at hindi napansin ng ibang pasahero iyon dahil na rin sa nagdidilim na. Pero bigla akong nabuhayan ng loob habang pinagmamasdan ko ang malaking puno na nakatayo sa boundary ng Rizal at Quezon City. Kahit ilang bagyo ang dumaan andun pa rin siya at matipunong nakatindig kahit mag-isa na lang siya at nawala na ang mga kasama niyang malalaking puno na kasama niya mga ilang taon na ang nakakaraan. Inisip ko sa sarili ko na gayahin siya, na kahit anung bugso ng mga problema sa buhay - matatag pa rin at handang harapin ang anumang hamon sa buhay.

5 Reaction(s) :: Takipsilim

  1. sayang, sana kung napadaan ka sa kalsada ng baclaran at nakita mo yung bata dun, di ka sana nalulungkot..

    isipin mo na lang si mr bean kapag yung tipong papatak na ang luha mo.. panigurado, mapapangiti ka na lang.. gudlack!

  2. bakit anung meron dun sa bata? baka si santino naman yan. honga eh. si mr. bean lang nakakapagpatawa sa akin.

  3. everybody cries, everybody hurts - the corrs ( i dunno the origina )
    just hang on...

  4. sabi nga sa isang patalastas:

    Think Positive

    alam kong kaya mo yan kuya jin, di ka susuko sa huli. malalampasan mo rin yan kuya. cheer up!

  5. hehe. mga moments lang iyon. alam mo na naman ang sobrang emo ang blogger na ito.