Transisyon

Medyo nakaka-recover na sa pang-gabing shift. Medyo nag-aadjust na yung body clock sa oras ng pagtulog at gising. Hindi na masyado headbang. Depende na lang kung kulang sa tulog talaga. Tamang trip ng grupo kapag past 1am eh naglalakad sa kahabaan ng Ayala Avenue at karatig-pook nito. Mukha nga kaming ewan sa ginagawa namin. Pero ok lang mabuti na ito kesa naman naka-tenga lang kami sa office. Maganda pala ang Makati kapag walang tao, parang nanonood lang ako ng isang pelikula at kami ang bida. Tamang usap lang sa mga nangyayari sa team namin at ibang pang bagay.

Nakakamiss ang buhay pang-umaga pero mabuti na ito. Hindi naman ako nagsisisi, natatakot sa mga challenge pero kakayanin ko naman siguro kagaya ng mga kasama ko. Next week ang Live Date na namin ng work and hopefully maging smooth naman ang takbo ng operation. Sorry kung hindi masyado nakakapag-update sa blog, hindi ko talaga mahanapan ng oras lalo na sa work dahil walang makitang time para makapag-sulat unless ngayon pag down ang system/s na ginagamit namin. Wala pa kaming nakikilala at kaming lima pa lang ang naglolokohan sa area namin. Sana sa pagdaan ng mga buwan eh dumami pa ang "friends" namin sa shift na ito. Hanggang sa muling updates.

Hayz kelan kaya mawawala ang headbang moment ng grupo. Nakakainis kasi kahit anung pilit mong labanan ang antok wala pa rin. Ayoko namang magtatayo nang madalas pero bakit kaya ganun tuwing 2-3am dinadalaw ka talaga ng sobrang antok. Buti na lang at hooded jacket gamit ko kaya naman hindi halata. Pero nakakabawas pa rin n productive time. Any suggestions naman dyan? Ayoko namang mag-kape. Kaya puro water lang talaga iniinom ko.

2 Reaction(s) :: Transisyon

  1. Kayang kaya mo yan Jin!

    Ingats!

  2. hehe. sana nga ron.