The usual Saturdays na naman. What's new anyway. Pag nagyaya ka naman ng mga tao hindi naman sila magrereply sa iyo at hindi interesado na kasama ka. Me gusto kang puntahan, natatakot o tinatamad ka naman dahil mag-isa ka lang at rely masyado for a companion.
Tamang Net surf lang nung hapon na iyon. Hindi sapat ang sleep ko dahil nagising ako sa ingay ng TV sa amin kaya eto punta sa peborit Net.Cafe at nagpalipas ng oras. Nag-antay ng ilang minuto dahil puno pero buti at may mabait na nagpauna sa akin.
Usual na updates sa blog, social networks. Nakalimutan ko nga magpunta sa mga message boards kahapon. Pero ngayon nabisita ko na siya at nakapag-post na rin. Watch lang ng ending of some PS3 games like Resident Evil 5 (corny ang ending.. asar, sobrang dali - siguro dahil pinapanood ko lang), Metal Gear Solid 4 (akala ko nga 5 na eh, dunno kung ito na ba ang pagtatapos ng story arc ni Solid Snake - at panibagong simula naman kay Rain/Raiden, pero medyo nakaka-relate ako sa mga sinabi ni Otacon, about sa kelangan nang magpahinga ni Snake). Pinanood din ang trailer ng Uncharted 2 (mukhang ok ito na parang male version ni Lara Croft), latest leaks din ng Evangelion 2.0 You can [not] attack. Excited na ako sa paglabas ng latest sequel sa tetralogy ng anime series na minahal ko at kung san nakaka-relate ako.
Gusto ko sana manood nalang ng DVD ngayon pero wala naman akong mahiraman. Tinatamad akong umalis at bumili sa Quiapo o bumili dyan sa amin na mahal naman. Nag-text na ako sa mga friends ko nearby pero wala pa rin sagot sa ngayon. Balak ko pumunta kina Cyril dahil may bagong game daw siya sa Playstation 3, kaso sa Wednesday naman at headbang ako kung sasama pa ako, pang-gabi kaya ako kaya hindi pwede and up to Monday lang ang free day ko. Wala kasi si Angelo kaya hindi ako makapunta sa kanila at nasa Quezon daw (buti pa ang mokong pagala-gala pa.)
Uhaw na uhaw na ako maglaro ng WoW, kahit private server lang. Paano kasi kung kelan naka-ready na ako gumawa ng account saka naman nabasa ko sa announcement nila na temporary close ang invitation for new accounts. Asar naman. Nakaka-miss na rin kasi eh. Ilang taon na rin akong hindi nakakapaglaro at nakakainggit ang mga nakagawa ng account dito sa shop. Siyempre Tauren Druid pa rin ang gagawin ko just in case. Asar ka Aryeh. Wala akong natatanggap na text message sa iyo na may EB pala ang Cabal Online guild natin (Breakers of Twilight), medyo alanganin na kung hahabol pa ako at medyo walang budget ngayon. Sana next time makasama na ako sa inyo.
At eto andito na naman sa harapan ng PC. Nagsasayang ng pera at panahon. Sana maging makabuluhan ang mga susunod na oras sa akin. At sana next time mas Ok at nature trip ang gagawin ko. Ayoko na ng ganitong setup.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: What's New (again..)
Post a Comment