Ang Cold mo na!

Umuulan pa rin kahit Sunday. Nag-skip na naman ako sa weekly jogging routine ko. Dadagdag na naman ang timbang ko nito. Hindi ako nakabili ng bathroom scale. Kuripot kasi ako. Parang namamahalan pa ako sa Php400+, magpapabili na lang ako kay Sir Jason less 100 yung price sa binilhan niya. Supposedly punta sana ako kina Angelo para maglaro kaso wala daw siya. Hindi rin natuloy ang lakad namin ng ka-officemate ko. Sabi ko baka sa Lunes na lang. Inaantok kasi ako nang hapon na iyon. Nung umaga nag-net lang sandali sa net cafe.

Nagkausap nang kaunti sa isa pang blogger hanggang sa na-add ko na siya sa social network site, ym at contact info na rin niya. Bandang gabi ka-text ko siya. Hanggang sa nagkatawagan. Na-curious lang kasi ako sa latest entry niya. Kilala ko sa name ang ex niya dun sa online game na nilalaro namin last 2006 pa. HIndi lang ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Siya ang topic ng usapan namin. Nag-kwento na siya sa buhay niya. Marami siyang reservations kaya siguro maraming naiinis o nagagalit sa kanya. Naiintindihan ko siya dahil ganun din ako dati - hindi lang ganun ako kadali magtiwala sa isang tao at sigurista ako. Umabot ng mahigit 2 oras ang usapan namin sa phone. Medyo inaantok na ako kaya tinapos ko na ang usapan namin. Sabi niya nakukulitan daw siya sa akin pero masaya daw siya.

Kinabukasan, nakahanda na sana ako punta ulit kina Angelo pero tumawag muna sa Smart, as usual walang kwenta na naman ang customer service nila. The usual scripts na lang ng mga agents nila naririnig ko palagi. Wala namang solution. Tumawag muna ako kina Angelo para sabihin na pupunta na ako sa kanila. Pero nag-dalawang isip siya at nagdahilan kaya hindi na naman natuloy. Kahit hindi niya sabihin alam ko ang dahilan ng pagbabago niya - kaka-break-up lang ng ilang taong girlfriend niya. Naintindihan ko kaya tinanggap ko na lang ang alibi niya. Ganito siguro kapalaran ng mga PS Boys (PlayStation) - palagi na lang single dahil game ang priority.

Naka-leave dapat ako ngayon. Pero dahil sa nangyari nung umaga, nagbago na naman ang isip ko. Nahihiya na ako sa supervisor namin dahil pabago-bago ako ng isip at 3rd time na ito na nag-request ako ng leave pero hindi ko naman tinutuloy. Na paranoid pa ako dahil nanghiram na naman sila sa akin ng pera. Sagad na sagad na ako at pamasahe ko na lang ang natira sa akin. Pati ba naman iyon kukunin niyo. Naka-budget na nga iyon sa pagbabayad ng iba ko pang utang. Na-compromise pa. Kaya naman kinausap ko sila lahat at humingi ng paumanhin na kung pwede kapag nakaluwag na ako or sa susunod na payroll na ako magbabayad sa kanila. Mabuti na lang at mabait sila kaya naman pumayag sila. Nung mga oras na iyon, naiinis at nalulungkot ako dahil bakit laging ganito. Hanggang kailan ang ganito. Habambuhay na bang ganito. Kailan kaya mawawala ang mabigat na pasan sa aking likod. Salamat na lang sa advice ng isang kaibigan kaya bumalik na ako sa aking senses na lahat ng bagay may dahilan at walang binigay sa iyo na hindi mo kakayanin.

Kanina nabasa ko sa isang blog entry na malamig na daw ako sa aking pakikitungo sa ibang tao. Sa akin lang, intindihin niyo naman ako na hindi ko kayang i-pleased kayong lahat. Marami rin akong iniisip na tao at problema. Naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko. Hindi lang kasing-dalas ang text ko kagaya ng dati - nagbago na ako? Magulat ka kapag hindi na ako nagte-text o nagpaparamdam sa inyo. At least ako - sa part ko, ako lagi ang unang nagpaparadam sa iba. Kahit pa - kahit isang reply man lang wala akong natatanggap sa karamihan - pero Ok lang iyon. Baka may dahilan kung bakit hindi nila magawang mag-reply. Kaya pasensya na kapag hindi ako nagpaparamdam pero bumabawi naman ako kapag may libreng oras ako.

8 Reaction(s) :: Ang Cold mo na!

  1. hmm.. tsktsk.. feeling ko naman naiintindihan nya un eh, sbi nga nya sa blog nya di ba, maybe it's just him, napapraning lng ata ung gagu na un, kaya pagpasensyahan mo na sya! don't worry, kakausapin ko sya, at dhil close nman kame, eh ako na ang hihingi ng paumanhin para sa kanya sa nasabi nya, sasabihan ko sya na bumawi sayo at ulit..

    teka lng, anu ba kailangan nyang gawin para mapatawad mo na sya..

    :(

  2. mapatawad? sino may kasalanan?

  3. ung friend ko, tinawag kang cold. pasaway tlaga ung bata na un, may pagkaisip bata pa ksi eh.. hehe..

  4. dapat mag mature na siya. ilang taon na yang kaibigan mo. isip-bata pa rin.

  5. oo nga eh, binabatukan ko na nga para magmature na sya, hanep sa pagkaisip bata minsan, pero minsa unpredictable, isip matanda. ay ewan ko ba dun.. hehe..

  6. mag-tetext naman ung sinasabihan mo sa blog mo paguwi niya kaya wag ka na mag-alala pa.

  7. talaga? dapat lng kungdi kakagatin ko sya! haha!

  8. magkagatan kayo hanggang sa magsawa ka.