Bukas na

Kaninang umaga lang nagbukas ang Robinson's sa may lugar namin (part ng Montalban Town Center), as usual mga tao sa nayon. Na hindi madalas naglalabas sa lunsod eh andun para ma-experience naman nila makapag-"shopping". Balita ko rin na yung tapat ng center na iyon na poultry dati eh gagawing SM naman (andaming speculations na Puregold, Makro daw etc..). Kahit papano sa loob ng mahigit na 20 years na pananatili ko sa bayan na ito may physical na progress na akong nakikita. Para hindi na kailangan pang mamasahe pa ang taga sa amin para pumunta sa Quezon City or sa Pasig.

Naalala ko pa ang panaginip ko nung hapon, binigyan daw ako ng 500 ng 3 tao. Ano kaya ito? numero kaya sa lotto o jueteng. 2 weeks na akong hindi nakakapag-jogging ah. Dahil akala ko kasi hindi pa nalalabhan yung sapatos ko. Hindi pa rin ako nakakabili ng bathroom scale dahil wala pa akong pera at panahon. Bumigat na naman ako talaga ngayon. Sana nga manalo na ako sa lotto para makapag-lipo na kina Belo.

Medyo sem-retire na muna sa gaming, lalo na nung event last month lang na nagkasiraan pa kami ng classmate ko dahil lang sa laro na iyan. Up to now hindi pa rin kami nagkakausap and bahala na siya kung may balak ba siya o wala. Sana Ok na ang computer shop na pinapagawa ng friend ko sa haus nila. Hindi ko alam kung ano ang lalaruin ko, pero susubukan ko ulit yung Angels Online since naglalaro yung isa naming sup dun at baka bigyan niya ako ng mga items, armors etc.

Trip ko mula nung isang araw pa - pagkuha ng video sa labas habang umuuwi sa train/jeepney. Tapos saka ko panonoorin. Medyo nakakaantok kasi walang magandang angle since hindi ko naman pinapanood habang kinukuha ko. Wala lang, hawak ko lang siya at bahala na kung anu angt makunan ng camera.


Patalastas: Best wishes nga pala sa kasal ni Nerissa Reynosa na high school classmate ko. Congratz kay William at tatay na siya ng baby boy na si Gabriel. Pati na rin si Joel sa baby girl. Mukhang panahon ngayon ng pag-aanak ah. At napagiiwanan na naman ako sa mga classmate ko na lumagay na sa tahimik. Pero Ok lang masaya naman ang buhay single. Mahahanap ko rin ang para sa akin.

Question: 27 y/o ka na, bakit hanggang ngayon single ka pa rin?
Answer: Choice ko naman ito kung bakit single pa rin ako up to now. Wala naman akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Pakiramdam ko kasi guilty ako at kelangan kong bumawi sa aking parents na nag-sacrifice sa akin para makatapos lang ako ng pag-aaral. Parang kulang pa nga ang ginagawa ko. Gusto ko kasi bago ako mag-isip ng mga ganung bagay. Kelangan stable na sila at kampante na ako na masaya na sila sa buhay nila ngayon. Hanggat hindi nangyayari iyon, siguro patuloy ko pa rin silang paglilingkuran kahit pumuti na siguro ang buhok. Ganito lang talaga ang kapalaran ng isang mabuting anak para sa kanyang pamilya. Sila muna bago ako. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko magagawa ang aking tungkulin sa kanila. Napapagod na ako minsan.

6 Reaction(s) :: Bukas na

  1. tanong din sa akin nean ng nkkrami.. but daw at the age of 27 la pa daw akong asawa.. ang sagot ko lang jan eh.. "BAT KA BA?!!!!"

  2. parang turning point ang 27 ng decision kung anu na mangyayari sa buhay mo.

  3. saludo ako sa mga taong ganyan ang pananaw, mga taong handang paglingkuran ang mga magulang kahit na mapag iwanan sila ng panahon..

  4. ahaha. ikaw rin ba kheed ganun din.

  5. haha. iniisip ko tuloy yung tanong sa'kin dati: "Mabubuntis ba ako kaagad o tatandang dalaga?" nakupo. none of the above.

  6. hehe. kahit takasan mo mga yan. darating ang araw na kailangan mo nang mamili.