Hindi ko alam kung trip lang talaga ng management na gawing parang basketball ang aming function dahil sa loob ng isang buwan lang - naka apat (4) na supervisor na kami, dalawang (2) operation managers at lipat ng floor. Pero may valid reason naman dahil sa re-alignment ng mga job functions kung saan talaga siya nararapat ilagay. Wala kasing night shift si Boss Darwin (1st OM) kaya nilipat kami kina Ms. Myla (2nd OM), pero during the course of time after the re-alignment eh binalik na naman kami kay Boss at sa new supervisor na naman.
Last Friday, we did a "getting to know" event again sa new sup namin, si Sir Simels - bubbly and light personality niya at nakikita naman ang aura niya. Bigla kong naalala si Sir Gags during my college days - super manyak at kwela sa klase kaya naman hindi naantok ang mga classmate ko kahit programming pa ang class niya. Sana ganun din bago naming sup. Medyo Ok naman siya at first glance at mukhang makakasundo namin. Nanlibre pa nga ng Istarbaks and galante - sana huwag siyang madala sa amin.
Kahit sanay na sa pang-gabing shift, hindi maiiwasan na magka-headbang pa rin usually around 2am. Kaya naman the usual na pampaalis ng antok after mag lunch - strolling around Makati City sa alanganing oras. Last Friday pinuntahan namin ung area na nde pa namin naaabot sa aming pagliliwaliw - Salcedo Park, Ok pala ang lugar na ito pag gabi, parang nasa Luneta ka lang. Lol! Mas maganda rin architecture ng mga building sa area na ito. Unlike sa mga nasa harap ng Ayala, na nanluma na sa araw-araw na polusyon sa mga tambutso ng mga sasakyan na dumaraan dito.
Still looking for an apartment or kahit room lang to rent around Makati. Mahirap kausapin itong mga kasama ko kasi dayshift sila at sa email lang kami nagkakausap or minsan sa SMS kapag may load ang mga loko. Sana nga this time makahanap na kami at hindi choosy itong mga kasama ko. Ang hirap kaya na araw-araw eh almost 3 hours ang travel time mo na dapat nagpapahinga ka na nga eh nasa biyahe ka pa rin at umaabot ng 100+ ang transportation. Pagod na rin kasi ako sa kaliwat-kanang gastos. Hindi na ako makapag-ipon para sa sarili ko.
Trying to organize myself again. After a couple of failed relationships. Siguro it's time to make a backtrack and isipin kung bakit lagi na lang ganun ang nangyayari. Anung mga kulang sa akin, mga dapat alisin, mg dapat baguhin, mga dapat dagdagan. Paiba-iba kasi ang timpla ng tao at dapat bagayan mo na lang at willing mag-sacrifice, kainin ang pride for a relationship to last. I'm courting someone right now, and medyo challenge ito sa akin dahil huhulihin ko pa ang kiliti nito. Gusto ko siya sa simula pa lang na magkita kami at nagkakasabay kami nung dayshift pa ako sa paglakad along Ayala. Buti na lang we still have communications and sana this time makuha ko ang puso niya at siya na ang huli. Over-rated na ang phrase na "Pagod na ako". I won't expect too much para hindi masaktan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"I won't expect too much para hindi masaktan."
Dati lagi ko itong sinasabi, pero ngayon, hindi ko na alam why I kept telling myself this.
Go lang Jinji, may mabubulag din sa iyong kagwapuhan. :)
Anonymous
April 5, 2009 at 11:32 AM@zwei
haha mabubulag talaga eh. wala naman sa akin kung darating pa ba sya o hindi.
Jinjiruks
April 5, 2009 at 12:22 PM