Pagsibol
Himig Heswita - Jesuit Music Ministry
Bawat huni ng ibon sa pagihip ng amihan
wangis mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan
init mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig mo
nagdulot ng katiwasayan
paghahanap katwiran nilusaw mo sa simbuyong
karilagan ng pagmamahal
Panginoon ikaw ang kasibulan ng buhay
puso'y dalisay kailanpaman
ipahintulot mong ako'y mapahandusay
sa sumasaibayong kaginhawahan
dalangin pa sana'y mapagtanto kong tunay
kaganapan ng buhay ko'y ikaw lamang
Clip: Pagsibol - Himig Heswita
sa tuwing depressed ako lagi kong naaalala ang kantang ito sa doxology part ng graduation namin nung high school, gumagaan ang pakiramdam ko, enlightens my soul - fulfillnes of Life. salamat nga pala kay Jim Lopez for the lyrics ^^;
by
Jinjiruks
April 6, 2009
10:12 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
baka naman po meron po kayong mp3 format copy ng song na ito.. kelangan lang po kasi sa church activity namin
grace
April 29, 2009 at 4:47 PMay sensya npo. wala po eh.
Jinjiruks
October 15, 2009 at 4:09 AMa very inspiring song..saan po tayo puede mkapagdownload ng song na 'to?
joliza
February 4, 2010 at 11:45 AMsa mga peer to peer sites po.
Jinjiruks
February 19, 2010 at 11:14 PMgusto ko talaga ang song na ito.. kinakanta ko tuwing nalulungkot ako o walang magawa... una kong narinig noong kasali ako sa choir...nakaka-inspire talaga.
thesearcher
March 11, 2010 at 11:31 PM