Sarap matulog

Hay, ang sarap-sarap matulog kaninang hapon. Patuloy pa kasing malamig ang panahon dahil pag-uulan nitong nakaraang mga araw hanggang ngayon. Ayoko pa sana bumangon kanina pero kailangan na eh kundi baka ma-late naman ako. Sa pagpasok, mas mabuti na ngang maputikan kesa mapawisan lalo na't papasok ka palang sa office. Sana laging ganito ang panahon hanggang tag-ulan na mismo pero baka maging baliktad siguro ang panahon dahil sa climate change - mahirap namang tag-init habang papalapit ang December; ano na lang ang magiging costume ni Santa niyan - naka shirt at short na lang.

At eto po ang trip ko after lunch, kapag hindi kami naglalakad sa kahabaan ng Ayala with Ate Bebe, blog hopping muna at pag me entry na interesante makikita mong nag-comment ako. Sobrang monotonous.





One monotonous day is followed
by another monotonous, identical day.
The samethings will happen, they will happen again -the same moments find us and leave us

A month passes and ushers in another month.

One easily guesses the coming events;
they are the boring ones of yesterday.
And the morrow ends up not resembling a morrow anymore.

Monotony

10 Reaction(s) :: Sarap matulog

  1. Diba? Ang monotonous na.

  2. ikaw kasi zwei eh. dapat magbago ka na.

  3. hay.. buti ka pa nag eenjoy sa maulan na tag-init..hehehe. nalulungkot ako.. hay...!

  4. bakit ka naman nalulungkot. andito naman kami para pasayahin ka.

  5. sana ganyan din dito sa dubai, (yes po nasa dubai na ko kaya nabuksan ko na blog mo!), kaya alng mainit talaga dito ngayun. hay/

    naalala ko naman bigla yung ayala avenue. nagwork din ako dati jan. sa gt tower. after overtime, tambay sa ayala, pick up ng customer, hehehe joke.

  6. hehe. umuwi kna kasi kunejo. anu na naman ginagwa mo sa dubai.

  7. maghahanap ng work. pag wala talaga nahanap, abangan mo na lang ako sa tv patrol! hehehe

  8. hehe. wag ka naman magpapabitay diyan. marami kpang magagawa pag umuwi ka. mag call center ka na kasi dito.

  9. ang sarap nga... lalo na kung wala ka insomnia...

    hay buhay...

  10. bakit sir gill meron ka ba? insomnia? night shift?