I really thought it was over. But then again, eto na naman siya. Nagbabalik ang aking sakit na hindi mo alam kung sore throat, tonsilitis or kung ano na. Nung una na resolve na siya at yung sirang ngipin ang culprit. After a week. Got better. Nakakakain na nang maayos. But all of a sudden kaninang umaga, naramdaman ko na naman siya. Ang pakiramdam na mahirap lumunok. At first akala ko dahil lang sa hindi ako uminom masyado ng tubig kaya natuyuan ang throat ko pero mula nang nagising ako kanina. Lumala na siya at masakit na siyang ilulon. Hindi na ako nakakain sa bahay dahil wala akong gana. Uminom na lang ako ng tubig and take some medicines. Nag self-medicate na naman ako. Pag nag persist na naman siya, i think i should see a doctor right away. Ayoko naman umabot sa puntong tosilectomy na ang gagawin.
Eto despite na may slight fever, dahil professional ang inyong linkod. Pumasok pa rin ako. Parang Biyernes Santos ang itsura ko kaya siguro pinagtitinginan ako ng mga tao. Mamaya aakyat na naman ako sa clinic para magpatingin na naman at ano na naman kaya ang sasabihin niya this time. Lalo na wala na akong sirang ngipin. I bet paracetamol lang. Ayoko na nang laging ganito. Hindi ko alam anu ang problema bakit nagkakaganito ako.
Stress? Baka nga lalo na't kelangang maghabol dahil nasa hulihan na naman ako. Hindi na rin ako masyado nangingiti or tumatawa unlike nun sa dayshift pa. Hindi ko naranasan na magkasakit. Dito lang. Nagipon-ipon na siguro ang mga stress factors at hindi na naagapan ng katawan. Hehe!
Environment? Hindi ko alam kung sa bahay ba ito. Makalat kasi sa bahay at burara mga tao dun. Tapos si papa may sakit din. Kailangang i-quarantine este sanitized pala yung bahay. Gusto ko na talaga bumukod para hindi na ako nahihirapan sa paguwi lalo na sa oras na nga ng pagpapahinga mo eh nasa kalsada ka pa at nagbi-biyahe.
Eating Habits? Dahil siguro sa pagkain ko ng matamis kaya bumalik na naman ang sakit ko. Alam mo naman na yung matatamis eh peborit ng mga bacteria. Sa totoo lang indirectly nakatulong itong sakit na ito sa pagbaba ng aking timbang. I dunno kung maganda ba iyon pero from 70kgs bumagsak siya sa 60 na lang. Puro lugaw nga ako nung may sakit ako. As much as possible iwas na sa prito at gulay na dapat. Hayz gusto ko gulay pero sana yung mukhang masarap naman.
Lablayp? Ahehe! Kawawa naman ako walang nag-aalaga sa akin. Hehe! Sinisi yung lovelife na wala namng kinalaman. Hayz hindi naman ako nagbibilang ng mga nagawa ko sa iyo pero pakita mo naman na you really give a damn to care for me. Nagsasawa na ako na puro text na lang ang ginagawa natin. Hindi ko rin sinabi na tawagan mo ako maya't-maya. Gusto ko lang na maramdaman talaga na mahalaga ako sa iyo. Sa akin na lang iyon kung sino man siya and 'wag ka nang mag-reply sa blog at sa usual text na naman. I'm sorry kung nasasabi ko sa iyo ito lalo na't hindi maganda ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko kasi nag-iisa na naman ako. Kung nasan nasa low spirits ako, wala ka naman. Hindi ko na kailangang sabihin pa kung ano ang dapat mong gawin - alam mo na dapat iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Just try to get more rest. huwag kang malulungkot o made-depress. makakadagdag yan sa paglala ng nararamdaman mo. try to be happy at mag-isip ka ng positive. get well soon! *hugs*
Aris
May 15, 2009 at 9:14 PMnde na nga ako nakapag-rest kasi nasa office ako ngayon kuya aris.
Jinjiruks
May 15, 2009 at 10:34 PMswine flu yan! joke tonsil marahil... tama take sum rest
Anonymous
May 16, 2009 at 12:29 PMayan.. kasi malikot ang utak mo. hehe..pahinga ka lang.. warm water with salt. effective sa akin dati...INGAT!
bampiraako
May 16, 2009 at 12:37 PMsalamat sa advice guys. medyo ok na ako nang kaunti.
Jinjiruks
May 17, 2009 at 9:15 AMmusta na jinji pagaling ka joseph to(",) inagt parati
Joe
May 17, 2009 at 9:19 AM