Balita sa Nayon series eh tungkol sa kung anu-anong kaganapan ang nangyayari sa aming munting bayan ni Bernardo Carpio na kung tawagin ay puting kabundukan na mas kilala sa tawag na Montalban na Rodriguez na ang bagong pangalan bilang pagbigay-galang sa Ama nito na si Sen. Eulogio "Amang" Rodriguez.
Last month natunghayan ng aking mga kababayan ang pagbubukas ng Montalban Town Center. Sa wakas sibilisado na ang aming lugar at may ganito nang istraktura na nakatayo. Maraming tao ang nagpupunta ngayon kahit alam naman nila na mas mahal ang Robinson kesa sa SM when it comes to Supermarket thing. Maski ako hindi pa nakakapunta sa lugar na iyon. Sa tapat naman niya me bago na namang gusali na ginagawa. Kagaya ng sa Town Center namin ang dami na namang haka-haka na lumalabas. Makro, Puregold at kung anu-ano pa. Pero sabi nila SaveMore daw iyon (subsidiary ng SM) to compete sa Robinsons Supermarket na nasa loob ng Town Center.
Days ago lang. Nagkaroon na naman ng taping ng mga action star sa lugar namin. Starring suspended Mayor Ping Cuerpo against Acting Mayor Jonas Cruz siyempre laman na naman ng dyaryo at ibang media yung balitang showdown na ito. Hindi na nga ako nagugulat at sanay na rin ako. Mahirap na magsalita lalo na't wala ako sa position para magsabi kung sino ang tama. Pera sa basura at quarry na naman ang issue at wala nang iba.
Nakakahiya taga Montalban pa naman ako pero ni minsan hindi pa ako nakakapunta sa Avilon Montalban Zoological Park. Siguro pag tinopak ako at niyaya ng ibang mga kakilala eh makakapunta na rin ako kahit 3 blocks away lang ito kung san kami nakatira. Nakaka-miss magpunta sa Wawa Dam, last time na punta ko dun eh last year kasama si Kuya Al. Hindi na kasi kami masyado nagkikita ngayon at ayoko naman na mag-isa lang na pumunta. Napurnada rin ang balak naming magkakabarkada na mag-outing man lang dito dahil na rin sa ibang hindi maipaliwanang na kadahilanan. (Mahiwaga!)
As usual kaunting-kaunti na lang. Makikita niyo na ako sa TV Patrol o kaya sa XXX tungkol diyan sa bulok na drainage system namin sa subdivision namin. Tuwing napapalakas ang ulan at tumataas ang tubig. Laging baha sa amin at abot ng binti na. Buti sana kung tubig-ulan lang eh kaso parang burak sa baho sa pinagsama-samang tae ng aso, pusa, daga at kung anu pang di-kanais-nais na basura ang makikita mo habang mga bata sa amin masayang nagtatampisaw na hindi iniisip kung anong magiging sakit ang makukuha nila sa ganun kaduming baha. Umabot pa sa puntong pumasok na sa bahay namin at naglimas pa kami ng tubig matapos tumila ang ulan. Pesteng drainage talaga yan. Matagal nang nirereklamo iyan wala pa ring solusyon. Inaantay pa nilang ma-media pa sila bago gumawa ng action.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Balita sa Nayon
Post a Comment