Pagkauwi ng Sabado ng umaga, pinahinga ko na ang katawan ko hanggang gabi. Nagigising lang ng ilang minuto para inumin ang mga gamot na nireseta sa akin. Grabe ang presyo ng mga gamot na iyon natapyas agad yung pera kong naipon. Ayoko pa naman na nasasagad ako dahil ako rin ang nahihirapan. The usual lugaw diet na naman ang binigay sa akin dahil sobrang sakit talaga pag lumulon ka. Kahapon nang umaga patuloy pa rin ang lagnat, pangangatog at tonsilitis ko, nung uminom na ako ng meds kasama na rin ang lozenge pagdating ng bandang hapon medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Hanggang pagdating sa oras na ito. Kahit papano Ok na ako. Next time hindi ko na papalyahin ang pag-inom ng gamot dahil ako lang ang napapahamak kapag bumalik ang sakit mo na mas kailangan ng mas matapang (at mas mahal) na gamot bago pa sya mawala sa sistema ng katawan mo.
During rest period, wala akong ginawa kundi humiga lang sa aming sofa, manood ng TV saglit, tulog na naman, kain ulit, basa ng books, tulog ulit, kain etc. Hehe! Napag-isip-isip ko rin na talagang magbabago drastically ang diet/eating habits ko simula nang magkasakit ako twice sa ganitong throad infections. Kahit medyo mahilig ako sa matatamis ngayon medyo dadalang na ngayon at hindi ma muna ako iinom ng malamig or sobrang init na inumin. Ayoko na bumalik ulit itong tonsilitis na ito dahil kapag pauli-ulit pa siya ayokong humantong siya sa tonsilectomy o pag-tanggal sa tonsil. Mas maraming disadvantage dahil magiging mas prone ako sa bacterial/viral attacks.
Iniisip ko lang sana worth yung pagpasok ko ng Friday ng gabi dahil kahit may lagnat ako eh pumasok pa rin ako para lang makapag-perform sa amin presentation. Of course papasok pa rin ako sa Monday kahit may tonsilitis pa ako. Bibisita na rin ako sa company doctor namin para i-assess ang status ng condition ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pagaling ka!
Turismoboi
May 17, 2009 at 1:34 PMenjoy mo lang muna ang sick leave mo!
wanderingcommuter
May 18, 2009 at 6:47 AMget well soon!
Eben
May 18, 2009 at 10:16 AMsenyales ng pagtanda... :) woi exteel na, get well soon kuya! :P
Anonymous
May 18, 2009 at 5:42 PMsiguro kelangan ko na magpupunta sa mga prayer meeting na yan para hindi na ako magkasakit. wahehe!
Jinjiruks
May 18, 2009 at 8:39 PM