meme mula kay Luis Batchoy, ganito talaga pag writer's block! Buti naman at meron pa palang kasing-edad ko kagaya ni Luis, akala ko ako lang ang matanda dito sa blogger group..
Noong ikaw ay bata pa, Nagawa mo ba ang mga ito?
1. Kumakain ka ba ng aratilis?
Oo naman, lalo na't nung kabataan ko, dun sa mataas na pader ng kalaro namin dun kami madalas, pero hindi ako masyado umaakyat. Since matangkad naman ako, eh abot ko naman pati na rin ang mga balimbing na nagkalat. Kaya lang nakakatakot ang lumang bagay na katabi nito. Bukas kasi ang bintana at nasisilip mo ang nasa loob nun. Baka mamaya kung ano na ang lumabas dun.
2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
Hindi eh, yung detergent ang ginagamit namin pampabula na hinaluan lang ng gumamela.
3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
Nakakainis nga na tuwing hapon na lang, pinapatulog kami kahit ayaw naman namin wala kaming magagawa. Mga matatanda talaga.
4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
*ano yung teleber teleber?
Pag umaga puro brickgame at famicom kami. Tuwing hapon hindi nawawala na yan, lalo na ang walang kamatayang patintero mula sa tubig-kanal. Taguan pagdating ng gabi naman.
5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
Oo naman, sa simula nakikinood lang kami pero unti-unti binili na rin kami ng Gameboy na green pa ang screen at FamiCom at doon po nagsimula ang aking kaadikan sa video games.
6. Alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right,b, a, start? tapos maglalaro ng super mario?
30 lives sa contra yan basta any Konami SNES games ata may ganyang cheat. Super Mario 3 ang kinarir ko talaga.
7. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
Si Goma nakikita na namamangka. Unang Bench Commercial iyon. Yung ESPRIT nakikita ko na rin. Pero Mighty Kid kasi kami eh.
8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony,thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
Haha. Meron din naman na translated na rin. Mabuti nga nung panahon na iyon ganun na para mahasa ang mga bata mag English, mga tipong Yo! Joe! Pero peborit ko na talaga mga Japanese mecha nung panahon na iyon.
9. Nanonood ka ng Shaider kasi nabobosohan mo si Annie at type na type mo ang puting panty nya?
Puti ba talaga? Alam ko kasi yellow minsan eh. Hindi naglalaba ang potek.
10. Alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
Yaba! Yaba! Shigi-shigi maka-shigi ruwa! Pumang Ley-Ar pumang dakila! Ginagawa namin yan with matching dance number pa.
11. Marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
Oo naman. Yung malalaking floppy disk pa nga ang naabutan ko. Pati ang green screen na PC. Mahilig ako sa Wordstar nun, mga ilang documents na rin ang nagawa ko nun. Ang Pamosong control K-S, K-B etc.
12. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
sa Batibot ba yan? Si Irma daldal and company.
13. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna.
Hindi nasagi sa isip ko yan dahil mag-ama ang tingin ko sa dalawang ito.
14. Alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
Sa Batibot ito. Yung kay Puti ang naalala ko. Pati na ang "batis, batis sariwang tubig.. uwoooooowooooo!"
15. Nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
Hindi ako masyado mahilig sa mga ganun nung panahon na iyon.
16. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
Ay Hindi ko alam ata iyon.
17. Meron kang blouse na may padding kung babae ka atMeron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
Syempre, Mighty Kid kami ng kapatid ko, kung anung bago nung panahon na iyon.
18. Nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
Nagsusulat lang ng slum notes pero hindi umabot sa ganun na gagawa pa ako. Kaloka ah!
19. idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
Idol syempre, isa siya sa mga dahilan kasama na si Indiana Jones kung bakit gusto ko maging archaeologist hanggang ngayon.
20. Eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
Hindi po kami nagka-phone eh. Foor lang.
21. Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
Hindi rin ako naka-experience na tumawag dahil wala naman akong tatawagan eh.
22. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
Kabisado ko pa rin hanggang ngayon. Cute kaya si Aiza nun at crush ko siya. Kaya lang pareho na kaming nag-binata at hindi na pwede. Kasama pa niya si Lady Lee at yung mataba sa Eh Kasi na Kathleen Go Quieng.
23. at manood ng Eat Bulaga sa Channel 13 tapos nalipat sa 9 tapos sa 5 sumunod sa dos at ngayon nasa GMA 7 na..
Eat Bulaga fan kami before naging Kapamilya.
24. O kaya naman manood ng 'sang linggo na po sila ng APO sa dos..
No choice naman, hindi ko masyado iniintindi mga ganung palabas. Liban na lang nung spelling contest dati nila.
25. Inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
Haha. Oo naman, kasabay ni Manong na nagdedeliver ng newspaper yan. Automatic yan either mango or Chocolate. Naabutan pa namin na nasa Bote pa sya bago nalagay sa plastic.
26. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
haha! with Matching salamin pa. Nakakahiya tuloy at nasabihan pa akong pang-babae daw ganung pencil case hanggang sa papalitan ko iyon nang mas lalaki tingnan.
27. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
Hindi ko iniisip yan, basta ako kain lang.
28. Alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
Minsan lalo na pag pista dito sa amin, naririnig ko iyan.
29.Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
Hindi kami mahilig sa mga ganyan. Laro lang talaga na pisikal. Minsan nakikilaro ng Lego sa kapit-bahay.
30. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
Ay hindi ko alam yan, yung .25c na bulaklak at memera na isda naabutan ko pa.
31. lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. .. diba naninipit yun?
Hindi ako mahilig diyan. Tuyo ang gusto ko.
32. Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
Hindi po eh.
33. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
Oo naman, humanap ka ng panget, alabang girls etc.
34. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
Minsan ganun, minsan yung Good Morning!
35. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
Oo naman, mura pa kaya iyan dati. Marami ka nang mabibili nung dekado 80. *sigh* mabuti pa talaga buhay dati.
36. Nanonood ka ba ng Madeline, Art Jam,Silip, detek Kids, Pahina Kokey, Hiraya Manawari, Math Tinik, Epol Apple, B1 at B2 at Bayani bago pumasok sa School lalo na kung pang-hapon ka?
Yup. Lahat po iyan. Pati na rin ang ibang English show na hindi ko maintindihan.
37. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo at yun ang tatawaging Y2K at pag dating daw ng year 2000 mawawala lahat ng powers ng mga appliances sa bahay nyo at mabubuhay ang buong mundo ng walang ilaw sa gabi?
Naku, wala akong pakialam kung magunaw man ang mundo nung panahon na iyon. Basta ako laro lang masaya na ako.
38. Maaga ka umuuwi pagkagaling sa school kase manunuod ka ng That's Entertainment or AngTV?
Hindi kasi TV pag-uwi, pahinga then laro na sa labas eh. Pag-uwi ko TV Patrol na.
Kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old... kapag halos lahat alam mo, nasa 18-25 ka...huwag ka magdeny.. tumawa ka na lang.. di ba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep noon at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew at lift?at higit sa lahat 4:30 na kase AngTV na or THATS ENTERTAINMENT kase inaabangan mo bagong dance steps ng UNIVERSAL MOTION DANCERS!
Mas masarap kaya ang Sarsaparilla nun at Fanta kesa sa ibang drinks. Hindi kasi ako sumasakay nun dahil malapit lang kami sa paaralan. Ang TV napapanood ko na. UMD? Sasayaw pa ako ng Always, i wanna be with you.. haha!
Mukhang nakukulangan pa ako sa mga tanong ah. Dapat dagdagan ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha! nakapag-reminisce ako ng di oras. at oo nga,anu yung teleber teleber?
Badong
May 10, 2009 at 4:32 PMhaha. yung sa goma na 1 wan bay 1, tu bay tu thing.
Jinjiruks
May 11, 2009 at 9:08 AMhala ngayon lang ako nagawi dito ah... link na nga kita... hehehe
Luis Batchoy
August 4, 2009 at 12:00 PMahaha. ok lang iyon luis!
Jinjiruks
August 4, 2009 at 11:32 PMyung teleber teleber yan yung skip rope na may naghahawak sa magkabilang dulo,, umpisa " I - LOve _ You Teleber Teleber... hahahaha... naglaro ako nyan dati dahil sa ate ko.. pambhira!!
Dan Lizada
July 7, 2011 at 5:00 PMahaha. thanks for the inputs dan.
Jinjiruks
July 8, 2011 at 2:07 PM