Kahapon pinaalis ko na ang primary reason kung bakit ako nagkakasakit nitong nakaraang mga araw. Ang sirang ngipin (at bagang pa siya). Akala ko nga hindi na ako pauunlakan ni Doktora dahil Sunday nun pero nagbakasakali pa rin ako na baka pwede pa. Tumawag ako, andun daw siya up to 5pm. Naligo lang ako sandali at pumunta na sa kanyang clinic.
Binigyan ako ng mini-lecture ni Doktora regarding sa issue sa ngipin ko, yung structure nito at yung physical aspect niya. Para daw akong bunny dahil sa cleft yung ngipin at yung lower part eh nakapaloob at hindi pantay sa taas. Binigyan niya na rin ako ng oral prophylaxis bago niya isinagawa ang extraction. Maraming anaesthesia siyang nilagay bago tuluyang binunot ang aking molar tooth. Masakit pa rin kahit manhid na siya. Pero naalis rin sa wakas.
Nagpabili na ako ng gamot sa aking kapatid dahil nag-uulan pa at mukhang akong engot na nakanganga habang naglalakad pauwi. Walang tigil kasi pagdurugo kaya naka-ilang bulak ako. Hindi ako nakakain nung gabi na iyon at naiinis ako sa kapatid ko na nagluto pa siya ng adobong atay ng manok na favorite ko tapos hindi ko naman makakain. Asar! Kaya juice at tap water na lang ako hanggang sa makatulog ako.
Hindi ko alam pero bakit masakit parin ang aking lymph nodes kagabi kahit naalis na ang sanhi nito. Siguro paunti-unti na lang ang pag-alis ng mga pathogens sa kanyang sistema. Nag-file na ako ng SL dahil hindi ako pinayagan ni Mama na pumasok dahil baka ma trauma yung area na inalisan ng bagang.
Salamat talaga kay Doktora Genette na para ko nang nanay, siya lang kasi accredited ng HMO sa area namin kaya sa kanya ako nagpapalinis ng ngipin. Nanghinayang nga siya na sayang ang dental fillings ko last year dapat nagpalagay na daw ako para bago na naman ngayon.
Salamat rin sa ibang friends ko maging ka-officemate/blogmates at kung anu pang mates na yan for your prayers and support lalo na kay Zwei touched naman ako nilagay mo pa sa YM status mo iyon. hehe! Pati na rin kina Bampira etc. Miss you Chiny. Kahit nasa malayo ka - pero sana andyan ka para alagaan ako. Wag ka na mag-comment mag-text ka na lang.
Sa ngayon sana patuloy na ang paggaling ko. Ilang VL at SL na rin kasi ang na-charge dahil sa sakit na ito. Buti naman at hindi siya swine flu. Wahaha! Excited na akong pumasok.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
get well soon. :)
Aris
May 11, 2009 at 1:09 PMok na po ako kuya aris.
Jinjiruks
May 12, 2009 at 10:07 AM