"Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I'm not sure about the universe.”
-Albert Einstein
Kung hindi ka nga naman minamalas eh unang araw mo ng pagbalik sa office. Maaga ka na ngang umalis kesa sa nakasanayan. Tapos maabutan mo lang sa kalsada - buhol-buhol na trapik. Hindi naman ganun kalakas ang ulan nung oras na iyon at hindi ganun ka-grabe ang trapik pag dumadaan ako. Sa mga palaging dumadaan sa Payatas Road (former Manila Gravel Pit Road, daan na nagdudugtong sa Montalban at sa Quezon City), mula sa Violago Homes hanggang sa Purok V ang haba ng trapik na tumagal nang lagpas 30 minutos, nag-doble-doble na ang lane ng pa south at north bound. Bwisit talaga ang pangyayari kanina. Ayoko nang maulit pa ito. Isa sa pangunahing dahilan eh ang sobrang baba ng lugar na malapit sa Empire East Land na naipon lahat ng tubig doon at abot hanggang binti kaya naman maraming tumitirik na sasakyan pag naabutan ang makina nila. Dumugtong pa sa problema ang paboritong gawin ng mga trapo na yan.
"Pwersahang sirain ang kalsada o lagyan ng panibagong drainage kahit maayos o hindi naman kailangan para makakuha ng budget/pondo para dito ngunit sub-standard naman ang ipapalit, kaya umiikot lang ang siklo ng pagkasira ng daanan.."
Mga peste kayo. Ginagawa niyo lang na parang kendi ang pera ng taumbayan. Mga ningas-kugon - sinumulan niyong butasan iyan tapos iiwanan niyong nakatiwang-wang iyan. At sino ang nagdurusa ang mga dumadaan sa kalsada lalo na ang mga pasahero na nagbabayad ng tax para pa-sweldo lang sa inyo. Dapat sa inyo ibaon na kayo diyan sa hukay para magtanda kayo. Mga bwiset.
Ganun ba yun? Sinasadya nilang maghukay kunwari drainage or aayusin para lang makakuha ng pera? haayyy. iba talaga ang pinoy.
Anonymous
May 13, 2009 at 7:06 AMnapapansin ko nga yan, sa may sumulong highway nga biglaan ang road widening, pucha tamang timing talaga sa 2010 election
Anonymous
May 13, 2009 at 10:35 AMganon talaga pagmag-eeleksyon biglang magkaka-project ang gobyerno.
Badong
May 13, 2009 at 12:06 PMmga trapo walang sawa talaga. dapat pagpapatayin na ang mga iyan.
Jinjiruks
May 13, 2009 at 8:14 PM