Sasakyan kita

Isa sa ugali ko na hindi ko na ata maaalis eh ang pagiging mapili sa pagsakay. Umaabot hanggang 1 oras sa paghihintay at kakapili kaya minsan muntik nang ma-late pagpasok or late nang nakakauwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit maarte ako pagdating dun. Siguro gusto ko lang na nakakapili ako pag sasakay ako at medyo maluwag. Ayoko kasi makipagsiksikan pa unless gahol na talaga at no choice at wala na akong magagawa pa. Naiinis ako kapag matagal bago ako suklian lalo na't may panukli ka naman. Yung tipo din na ako ang unang nagbayad pero ako ang huli susuklian. Kasi pag umiksi ang pasensya ko sinisigawan ko talaga ang driver o kunduktor nila pag hindi pa ako nasusuklian - pag gumigiling na ang ngipin ko, alam mo na ang ibig sabihin nun.

Sa tricycle - gusto ko ako lang ang nakasakay or kung hindi man sa loob ako hanggat maari. Pag nagmamadali ako sasakay ako sa bandang likuran ng driver. Dapat coins ang ibayad sa mga yan dahil hindi sila nagsusukli ng tama kung papel ang ibibigay mo sa kanila. Mga suwapang. Bumaba na nga ang pamasahe sila parang walang nangyari. Php7 na lang nga ang min tapos sa Php10 - Php2 ang isusukli. Ayoko na lang makipag-talo para sa piso. Kunsensya na lang niya yan halimaw siya.

Sa jeep - gusto ko umupo sa tabi ng driver pero dun sa bandang dulo para nakikita ko yung harap at yung kanan ko. Malas nga lang pag tag-ulan at medyo mababasa ka. Pag sa looban naman - nasa 4 corners ako usually. Hindi ako sasakay pag 2-3 tao na lang. May trauma na ako diyan an halos mahulog na ako para isiksik lang ang pwet ko sa upuan. Ugali kasi ng mga iyan pag sampuan lang pipilitin talaga na onsehan eh hindi naman lahat ng tao pare-pareho ng pwet. Leche!

Sa FX - salamat nga pala Gillboard sa pagpapaalala sa akin, syempre sa unahan pa rin. Pakiramdam ko kahit mas delikado sa harap eh gusto ko kasi nakikita ang view agad sa harapan, hindi yung kung kaninong ulo na lang ang nakikita mo. Pero kapag malaki na ang makakatabi mo, hindi mo alam anung magiging posisyon mo dahil mapapangiwi ka sa sikip at manhid ng paa mo. Kaya minsan mas mabuting sa gitna or likod na lang at least hindi ka nakatabingi.

Sa bus - dito nagtatagal ang oras ko eh. Palagi ba namang puno kasi kahit rush hour. At sobrang bilis na hindi mo makikita kung maraming bakanteng upuan kaya minsan napapadaan na lang. At gusto ko sa bandang kanan ang pwesto malapit sa pinto. Usually 2nd to 4th na malapit sa binta. Hehe. Dami kong arte sa buhay. Syempre pipili kanalang nga ng bus eh di yung Ok na at hindi yung mukhang madumi.

Sa truck - at 8-10 wheeler truck pa itong sinasakyan ko. Minsan kasi sinasama ako ni Papa sa biyahe niya pag malalapit lang. Hindi talaga ako sanay. At nakakalula - syempre noong bata pa ako nito pero ngayon ewan ko lang kung mapapasakay niya ako ngayon. Pero Ok lang.

Sa MRT - no choice naman talaga at kahit san naman pwede. Pero syempre ang all time favorite position eh yung last part. Na-miss ko nga pag rush hour sa umaga, yung sobrang siksikan. Pag bandang gabi na kasi, kaunti na lang ang sumasakay pa southbound and minsan lang talaga siya mapuno. Hindi ko tuloy magawa yung mga nasa isip ko. Haha!

Sa kariton - malay mo ma-discover ako ng mga pulitiko diyan at isakay ako tulak-tulak nila. Alam mo naman na malapit na ang eleksyon. Kung hindi kariton eh de-padyak sa riles.

11 Reaction(s) :: Sasakyan kita

  1. kng parehas lng tau ng way, ihahatid sundo kita araw araw...

  2. honga pala. sa kotse wala pa akong naiisip. binigyan mo ako ng idea.

  3. pag nxt month, ok na rehistro ng kotse ko at nkapag renew na ko ng license, hatid & sundo n lng kta. hehe.

  4. nagjijeep pa kasi... di na lang mag fx... hehehe

  5. @louie
    shh wag ka maingay na nanalo ako sa lotto

    @gillboard
    buti napaalala mo

  6. hehe! balato nman jan! :p onga, bakit di k n lng mag fx para less hassle. hehe

  7. auko nga kuripot po ako.

  8. kuripot ha? hehe. sasakyan kita jan eh! joke! hehe!

  9. hehe.

  10. oo bwakaw talaga yan mga jeep na yan.

  11. hehe. mas suwapang ang tricycle.