Kaninang umaga. Napag-desisyunan ng team na dumaan sa YellowCab malapit sa PeopleSupport for early breakfast ng pizza. Medyo umuulan pa nung oras na iyon, sana hindi magkasakit paguwi. Kaunting chit-chat and tawanan. Then after an hour umuwi na rin kami and parted ways. Sabay-sabay ang 3 bugoy na sumakay ng jeep (Buendia imbes na Ayala). Habang nasa loob ng jeep, tanong at kwento lang ako kay Simels about sa company lalo na ang management, ang pulitika at iba pang issues na off-limits ang iba. Marami akong nalaman mula sa kanya. And siya naman in-turn nakikinig sa mga opinions & observations namin sa management etc.
Masarap kasama itong Bisor namin, ma-kwela at hindi nawawalan ng kwento - lalo na sa mga chickas. Hindi naman ramdam na mas mataas siya sa amin at parang barkada lang kami which is maganda dahil open siya at handang makinig sa mga sinasabi ng subordinates niya. Pagkasakay sa MRT. Sige kwento pa rin. Tinuro ko sa kanya yung Manong Pepe's bandang Cubao. Akala kasi niya nagbibiro lang ako na nag-eexist ba yung fastfood na iyon na subsidiary ng Jollibee. Lumalakas na ang pag-ambon nang makarating kami sa Quezon Ave. station. Meron akong dalang payong pero siya wala. Sa gitna ng overpass na kami naghiwalay ng landas. 9.30am na ako nakarating sa bahay at headbang na sa antok.
Nagising ng 4.30pm. Binuksan muna ang Uzzap para tingnan kung sino ang online. Short chat lang sa mga online nung oras na iyon. Kausap si Raniel. Pinaalala niya na 10 years ago - siya ang unang kumausap sa akin sa klase at naging magkaibigan na kami sa loob ng isang dekada. Inisip ko bigla kumusta na kaya ang iba naming mga kaklase nung nasa kolehiyo palang ako. Ano na kaya ang nangyari sa kanila. Kumusta na kaya ang iba sa kanila. Pati na rin ang aming mga naging guro. Isang dekada na rin ang lumipas nang simulan ko ang buhay kolehiyo. Maraming nangyari. Maraming dumating, dumaan at umalis sa aking buhay. Maraming natutunan sa buhay, ang saya, ang pagkabigo. Hindi ko man pwedeng ibalik ang nakaraan. Andito pa rin sa puso ko ang mga ala-ala ng kahapon.
Another thing. Good for me na balik sa normal weight na ako sa BMI (Body Mass Index), although alam kong hindi ganun ka-reliable ang system na ito (for a midget na body builder lalo na) - at least pang motivate na ito na kahit papano may napupunta ang paghinay ko sa pagkain at cardio every weekend.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
BMI is so good stats I like it. Can I copy?
Bradpetehoops
May 6, 2009 at 9:45 AMdapat di ba may load para makapag-uzzap?
Anonymous
May 6, 2009 at 4:58 PM@brad
ngek. daming ganyan. pero sa mayoclinic na website ko kinuha ito. mas comprehensive.
@anthony
oo na. kahit piso dapat. hindi ka naman nag-uuzzap ngayon eh.
Jinjiruks
May 6, 2009 at 8:21 PM