Usual Facebook na naman pagupo palang sa harap ng PC. Salamat nga pala sa mga kano na nagbibigay sa akin ng "gifts" sa game para makumpleto ang aking Vault Collection. Nagsisimula na akong mag-build ng colony sa Cuba. Kaunting ipon pa ng pera. Hehe! Sana marami pa akong ma-invite na friend sa Mafia Wars. Ewan ko ba bakit ako naadik masyado dito. Siguro dahil sa isang simpleng browser-based game lang at hindi masyado kumplikado at wala nang kaartehang download at logins pa.
Sayang hindi ko nakausap si Sir Azrael sa ToyCon (later na lang po ang pics at kwento sa event yesterday) nasa likod siya at event organizer/director ata siya that time. Nakita ko pa siyang nag-Plurk kaya na-add ko siya ngayon. Inggit talaga ako sa blue toycon shirt nila pero para sa staff/crew lang daw iyon. Masaya ang event in general. Medyo na-empty battery lang nung bandang hapon kaya sa cellphone lang natuloy ang mga pics.
Blog-reading mula kanina pa sa mga blog updates ng mga kaibigan natin sa blogosphere. Wala namang bago. Humupa na ang awayan at balik na sa normal ang mundo. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.
Kanina habang tinitingnan ang mga Friendster updates. Mayroong mga bagong balita na naman. Itong si Lester na classmate ko change status sa Single. Hmm. Anu kaya ang nangyari at break na sila ng matagal na niyang gf. Nasasayangan ako sa kanila kagaya ng kina Angelo. Bakit kaya ganun ang nangyayari. Uso na naman ang hiwalayan ngayon.
Nung makita ko ang mga new pics ni Em. Na-emo na naman ako. Biglang nag-flashback sa akin ang mga "nakaraan ko". Unang sumagi sa isip ko si Pi, kung paano kami nagkakilala sa bandang SM Manila. Then si Em naman, na nagkakilala kami sa isang palabas at kung paano umusbong iyon mula sa pagiging magkakilala hanggang sa maging kami na hindi rin nagtagal. Naalala ko pa ang ilan sa mga text messages niya sa akin. Hindi talaga nagkakatotoo ang fairy tale minsan. Kathang isip lang siya na maaring mawala anumang oras na bumangon ka sa realidad ng buhay.
At ngayon, papasok na naman ako sa isang relasyon na hindi ko alam kung ano ang patutunguhan. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko sa isang tao. Maski ako hindi ko pa masyado kilala ang sarili ko. At patuloy paring naghahanap sa mga piraso ng jigsaw puzzle na makakapag-kumpleto sa aking pagkatao. Sana mahanap ko na ang mga nawawalang piraso ng aking pagkatao para maging buo na ako at handa nang harapin ang bukas ng walang pagaalinlangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
dami mo namang naisip sa oras na yan. hahaha
balitaan mo ako kapag buo na ang puzzle. sino kaya ang makakakabuo niyan? hmmm.. yun bang sinsasabi mong sasagutin ka niya ngayong sunday ba o next?
basta dito lang kami lagi ni yas.. haha
bampiraako
June 14, 2009 at 10:51 AMGo lang dude! Taking the risk doesnt kill hehe nagimbento na naman ako ng quote.
Madali lang naman bumuo ng jigsaw puzzle sabi nila start with the edges.. :)
HOMER
June 14, 2009 at 11:22 AM@bampira
loko ka talaga. mahirap na magsalita. sana nga mahanap ko na siya. ikaw nahanap mo na ba yung sa iyo?
@homer
hehe. sabagay. salamat sa payo.
Jinjiruks
June 14, 2009 at 11:38 AM