5.30pm Paalis na ako sana sa amin nang biglang bumubos ang napakalakas na ulan. Akala ko naman sandali lang siya at titila rin, pero tuloy-tuloy at walang puknat pa rin. Hanggang sa ayun na ang, tumaas ang tubig at binaha na ang aming harapan. Nagsisisi ako kung bakit nanood pa ako ng palabas sa TV at na-stranded ako sa amin.
6.00pm Wala pa ring tanda ng paghupa ng ulan. Sobrang taas na ng tubig na inabot na ang looban ng bahay namin. Pumunta ako sa mataas na area ng bahay dahil ayokong mabasa. Peste talaga yang homeowner's association na iyan. 'Wag lang kayong magkamali na humingi ng donation dahil bulok ang paghuhukay-kuno ng drainage system sa buong subdivision.
6.30pm Anung oras na. Malapit na akong ma-late beyond 6.30pm pa ako aalis sa amin. No choice kundi sinabi ko kay Ma na pumara na ng tricycle na daraan dahil pag nagtagal pa ako baka ma-late na nga ako. Hinatid naman ako hanggangs a crossing, sumakay ng jeep almost 8pm na ako nakarating sa MRT. Buti na lang at may allowance pa nang kaunti.
Habang nasa loob ng jeepney papuntang Litex. Aba nagulat ako dahil halos lahat ng sakay eh foreigner. Anung meron? Sabi ko sa sarili ko. Hmm. May 3 Koreano pa, muntik na akong mapakanta ng ''Almost paradise a-chimboda to nunbushin..". Katabi nila yung isang translator nila which I dunno kung Pinoy. Hindi ganun ka-ok pagsasalita niya ng English pero naiintindihan naman. May tipong gagawa siya ng clucking sound like chicken at magtatawanan sila. Mga ginawa nila kanina.
Usisero talaga ako at hindi ko maiwasang tingan kung sino sila. Nakita ko sa malaking ID tag nung isa yung word na "Andez Gregory" siguro isa itong institute or foundation or isang civic groups. Yung isa naman nakita ko sa tag niya HKSC (Hong Kong School of Commerce?) and Ka Yeung ang name niya. Puro daldalan lang ginawa nila habang nasa jeep at yung iba eh napapatingin nalang sa kanila pati na rin si manong driver.
Hay, bakit kaya ganun. Kahit anu suoutin ng mga Koreano na ito eh bagay sa kanila. Dahil ba sa kulay nila. At palagi na lang silang naka-eyeglass na black frame. Hang-kyut tuloy nilang tingan. Parang gusto ko tuloy pumunta ng Korea ngayon at maging exchange student sa kanilang cultures.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sama ako!
bampiraako
June 9, 2009 at 5:39 AMwag na. hehe! alam ko na ang tsika mo kahapon sa akin.
Jinjiruks
June 9, 2009 at 6:04 AMang mga koreana, mapanga cla pero cute :)
Anonymous
June 9, 2009 at 9:52 AMhindi rin naliligo. hehe! pero ang puputi pa rin!
Jinjiruks
June 9, 2009 at 8:39 PM