Kapagod na weekend

Friday. Filed a Holiday leave. Paminsan-minsan wag puro pera ang iisipin. Sarili munang kaligayahan at mga kaibigan. DogTag event ng AkoMismo. Nagkita kami ni Dan (mini-EB narin namin along with Yas), sakay sa East route na bus sa may McKinley. First time ko dadaanan sa the Fort pero by September kelangan ko na sanayin ang sarili ko dahil lilipat na kami dito.

Sobrang init pagdating namin sa Bonifacio Open field. Nakipila, akala ko pwede kumuha ng more than 1 ticket kasabay ng dogtag, hindi pwede (nagpabili kasi si Kheed). Pumasok sa concert area, liwaliw muna sa mga booth. Dahil wasted na kami at dehydrated around 4pm umalis na kami sa area dahil baka mahimatay na kami pag nagtagal pa kami dun.

Went back to Ayala para bigay kay Kheed yung DogTag then meet si Yas sa Glorietta. Nagkita kami sa may activity center. Went sa SM Foodcourt, usap sandali then kain. Iyon nga lang at pupunta si Yas sa concert maya-maya kaya umuwi na rin kami. Hinatid siya sa terminal, then umuwi na kami ni Dan dahil may work pa siyang mayang gabi while ako eh super antok na dahil hindi pa ako natutulog.

***

Saturday. ToyCon event. Tinatamad umalis nang maaga. Umalis sa bahay mga 10am nakarating sa Megamall around 12nn. Mahaba na ang pila sa event, nagpabili ng ticket kay Adar. Kasama niya sina Factor at kapatid niya at si Emer (yung hawig ni Josh Groban) at brother din niya pati na rin si Angelo. Tingin-tingin muna sa mga booth. Went to Wendys para mag-lunch. Balik sa ToyCon, pa-picture sa mga cosplayers, dahil solo flight ako sa iba - wala tuloy akong pics with the cosplayers. Huhu! Pero Ok lang, para maiba naman na wala sila.

Una munang kinuhaan ng pics eh mga Toys sa loob lalo na ang GI Joe collections pati na rin yung ibang miniature na characters. A couple of hours naman mga cosplayers naman. Astig ang iba at talagang pinagpaguran ang mga costumes nila. Kawaii girls, pero nakukulitan ako kay RockLee, makikitang mong idol niya yung Naruto character na iyon dahil lahat ng shots niya gayang-gaya talaga. Bandang 5pm medyo na-lowbat na ako kaya sa cellphone na lang kumuha ng cosplayer pictures. Nagpaalam na rin ako na mauuna sa kanila dahil inaantok na rin ako.

Dumaan muna sa Department Store para bumili ng damit or denim jacket. 2 collared shirts ang binili. Syempre earth colors na naman (green/brown). Next time na ang jacket. Pero nangako na naman sa sarili na every payday bibili dapat ng para sa iyo para treat sa sarili.

Umalis sa Mega at arounf 6pm. Got home at 8pm then bagsak agad at nakatulog.

***

Sunday. Upload ng mga pics mula sa DigiCam at sa cellphone pero masyadong malalaki pa rin kahit 3MP, Fine Quality lang ang setting. Inunang upload yung mga AkoMismo pics at sa EB with the bloggers sa tatlong social networking sites. Dahil me meetup pako with Eyts, pinagpabukas ko na ang pag-upload sa ToyCon pics.

Around 2pm nang ma-meet ko si Eyts sa SM Fairview. Daan muna sa Quantum. Then sa HyperMart for snacks. Punta sa haus nila (and you know the rest). Umalis sa kanila mga 8pm. Kagaya ng nakaraang mga araw, nakatulog agad pag-uwi after a light meal.

***

Monday. Partial uploading ng mga ToyCon pics dahil nga marami sila masyado at pinipili ko na rin ang mga upload ko. Inuna ko muna ang mga toys and siguro some other time na lang ang mga cosplayers. Idlip sandali. Nagising ng 1.30pm dahil sa Wowowee, hindi na nakatulog after that. Ayokong maabutan ng pagbaha na naman sa lugar namin kaya 5pm palang umalis na ako sa amin.

Sakto namang nagsisimula nang pumatak ang ulan. Nakakainis dahil lagi na lang sa amin umuulan pero pagtapak sa QC eh tuyo naman at walang bahid ng pag-ulan. Nakarating sa office by 7.30pm. Hindi ko kaya mag-casual wear hanggang September dahil puro poloshirt ang damit ko at bawal na ang walang collar na t-shirt sa work kaya anu pa nga bang magagawa ko.

5 Reaction(s) :: Kapagod na weekend

  1. masyadong busy ang weekend mo uh.. ayos yan, mag enjoy lang tayo sa pag gala.. salamat pala sa dog tag.. nung gabi na pag dating namin dun pwede ng bumili kahit ilang dog tag.. nakabili ako ng dose..

  2. andami naman, kanino mo naman binigay? saka kanina ba maraming naka dogtag dyan sa floor niyo?

  3. AKOMISMO nagkasakit.. hay

  4. konti lang ang merong dog tag, yung iba sa team namin nagpabili lang sa akin, yung ibang ka sfc ko binili ko.. kaya madami akong iniuuwing dog tag hehe

  5. ginawang pasalubong.