Nagbabadya na ang panahon ng tag-ulan pero dahil sa abnormal weather natin, mukhang maiksi lang at ito at mainit na naman sa panahon ng Kapaskuhan. Siyempre kinabubuwisitan ko ang panahon na ito. Hindi sa ayaw kong umalan. Ayoko lang na parang bagyo sa dami ng bumabagsak na tubig-ulan. Hindi kami nakatira sa mataas na lugar. Kaya lahat ng tubig-baha na amoy burak na halo-halo na dumi ng aso, pusa, mga patay na daga at kung anu-ano pang mga mikrobyo eh dumadaloy sa harapan namin.
Buti sana kung sa labas lang siya eh. Kaso inaabot kami sa loob ng bahay pag sobrang taas na. Nakaka-peste ang ganitong sitwasyon. Gusto mong matulog dahil malamig pero heto nagbabantay ka kung hanggang saan aabutin ang baha at magiging water-world na naman itong bahay. Pakitang-gilas pa ang mga lintek na asosasyon sa aming subdivision. Kunwaring hinukay ang canal pero dinukot lang sa butas at hindi dire-diretso at inalam kung makaadaloy ba ang tubig kaya nung lumakas ang ulan makikita mo na lang na ganun pa rin ang sitwasyon na tumataas pa rin ang tubig.
At bukod pa dun. Yung katabing subdivision naman namin, nung ginagawa pa ang bahay nila eh sadyang inapakan ang bubong ng bahay namin at mga karatig-bahay pa. Siyempre mabibigat ang mga iyon. Anung maasahan mo kundi masisira ang yero. Tama bang epoxy lang ang ibigay sa amin at tapalan na lang ang mga butas. Eh gago pala kayo eh. Hindi niyo lang alam ang sitwasyon kapag malakas ang ulan kung saan tumutulo na sa kisame ang tubig ulan at ang mga palanggana namin eh nakasahod dito hanggang sa banyo na inapak-apakan niyo.
Sinabi ko kay Mama na kailangang makita nila ito. Dahil habang sila eh kampante sa pagtulog sa kabilang bahay. Kami naman na na-perwisyo ang napapahamak. Mga bwisit. Kung kayo kaya lumagay sa katayuan namin, malamang ito rin ang gagawin niyo. Nakakaasar na kasi na kailangan alisin ang bulb dahil baka ma short-circuit at mga palanggana sa pagsalo sa tubig. Araw-araw na lang na kung umuulan laging nakahanda ang mga ito. Anu kaya apakan ko rin at butasin ang bubong niyo at kisame. Tingnan natin ano ang mararamdaman niyo. Leche!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Lecheng Tag-ulan
Post a Comment