Ang hirap talaga pag nawalan ka ng load sa cellphone. Katulad ng sa Internet parang may parte ng buhay mo ang nawala sa loob ng ilang araw. Pero para san pa kung may load ka naman, hindi naman sila magrereply sa text messages mo. Nagsasayang ka lang ng load, panahon at energy sa pagpindot sa keypad. Ok lang, sanay na naman ako sa kanila. Lalo na't saka lang magte-text pag may kailangan lang or may sasabihin na importante.
Sana ang buhay para lang sa nilalaro kong RPG sa mga consoles at online. Ganun ka-simple. Makikipaglaban ka lang sa labas ng town. Kukuha ng quest then babayaran ka after ma-kumpleto o magawa mo siya. Parang ang saya-saya, walang iniisip na problema kagaya ng pera, pag-ibig etc sa totoong mundo. Kung pwede lang nga pumasok sa mundong iyon, gagawin ko. Kahit dun pa ako mamatay, Ok lang at least nawala na ang sakit ng ulo ko. Pero pagdilat mo ng mata mo, balik ka na naman sa realidad. Sa mundong puno ng pagdurusa, hinaing at mga problema. Hindi mo alam kung may liwanag pa bang makikita sa kapal ng usok sa buhay na tinatahak mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hahaha ganyan din mga friends ko!tamad mag reply pag text naman sila dun ako wala load!LOL
Mac Callister
June 11, 2009 at 12:41 AMiyon na nga eh. pang asar talaga. mapipilitan ka tuloy mag-load dahil sa kanila.
Jinjiruks
June 11, 2009 at 12:59 AMhehe.. good thing my friends hardly do that. they do reply but sometimes late but atleast they still do reply.
cause otherwise i will go berserk when i get to see them. im a major attention whore.
eye_spy
June 11, 2009 at 8:59 PMwahaha. ganun. mahirap ka pala gawing kaibigan baka kung anung gawin mo sa akin!
Jinjiruks
June 14, 2009 at 9:22 AM