Libangan

Kahapon habang kasama ko si Angelo, nabanggit niya ulit sa akin ang tungkol sa pangangaso (hunting) ng tito niya. Hindi na raw natuloy dahil na rin sa patuloy na pag-ulan maski sa panahon ng tag-init. Dati napagusapan namin na sasama kami just in case matuloy ang tito niya. Wala talaga akong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyan. Nakikita ko lang siya sa telebisyon at hindi ko pa nararanasan. Excited ako kasi, unang beses ko palang makakapunta sa kakahuyan at masukal gubat kung matutuloy man. Ang paghuli sa mga maiilap na mga hayop. Ang itsura ng gubat. Ang tranquility ng lugar. *sigh* Kung pwede nga lang dun na lang ako manirahan gagawin ko.


Nung nasa Quiapo na kami, dumaan naman kami sa bangketa na nagbebenta ng fishing rods. Isa pa kasing balak namin bukod sa pangangaso ni Angelo eh ang pangingisda (fishing). Ewan ko ba kung bakit ito naglalaro sa utak namin. Siguro bunga na rin ng exposure namin sa role-playing-games na special skill or side quest ng laro ang fishing at hunting. Marami akong nakikitang nangingisda lalo na sa may ilog. Nakakatuwa silang panoorin dahil kailangan ng matinding tiyaga ao paghihintay upang kumagat sa pain ang isda. Ako na isa pang walang kamuang-muang kung paano man lang mag-setup ng fishing rod eh kailangang matuto hindi dahil sa kailangan kundi sa curiosity na rin at satisfaction na rin na marunong na akong mamingwit ng isda. Nakakatuwa isipin kung anung isda kaya ang una kong mahuhuli doon sa may ilog malapit sa Wawa dam.


Nang pauwi na naman kami dumiretso na kami kina Cyril - nag-text kasi ako sa kanya na dun na kami didiretso para makilaro sa kanyang PS3. Natutuwa ako dun sa multiplayer niyang game titled "Little Big Planet", kukulit parang si yung cookie-man sa Shrek. Mala-crash bandicoot ang gameplay niya pero imbes na isa lang, pwede hanggang apat ang maglalaro. Kailangang kumpletuhin mo sa isang lugar ang mga items, stickers etc. para maging clear ang lugar (100%). Minsan cooperative ang game pero mas madalas ang competition dahil pinag-aagawan niyo ang pagiging first place na makikita sa pie chart ang distribution ng score niyo. Nakakaaliw siya lalo na't pag buwakaw (greedy) ka eh mapapahamak ka lang sa pagnanais na makadami ng puntos.

0 Reaction(s) :: Libangan