Paghupa

Wala na ang putik at tuluyan nang natuyo ang kalsada. Ika-6 ng gabi nang umalis ako sa amin. Maliwanag pa at maraming bata sa lansangan, sabik sa paglalaro dahil ilang araw ding panay buhos ang ulan. Kelan kaya ako makakapaglaro ulit nang ganyan?

Pagsakay sa jeep, uupo sa paboritong pwesto sa dulo malapit sa estribo. Nakatitig sa kawalan. Malalim ang iniisip. Hindi alintana ang paglabas-pasok pa ng mga pasahero. Salamat na lang at ganun din ang panahon pagtapak ng jeep sa QC.

Natakam sa nakitang mga langka na binebenta sa bangketa. Sa lahat ng prutas ito pinaka-paborito ko bukod sa mangga. Binabalak na bumili na lang sa may amin pag araw ng bagsakan ng mga paninda sa Wawa.

Nag-text sa isang kaibigang blogista. Sinabi kung paano nakakabagot na ang ganitong ruta ng buhay. Pasok-Trabaho-Uwi-Tulog-Pasok. Kailangang gawin na ang matagal nang plano na pag-unwind. Hindi masimulan dahil walang kasama.

Sana laging ganito ang panahon. Malamig ang hangin pero hindi umuulan. Nakakasawa pala minsan na puro pag-uulan na lang.

2 Reaction(s) :: Paghupa

  1. blandness ng buhay... mag-coke ka lang kuya araw araw. :D

    lalala la life goes on.

  2. bawal. matamis iyon!