Manaka-nakang pag-ambon sa takipsilim. Sumakay sa dyip. Malamlam ang ilaw. Malaki ang pagitan ng mga pasahero. Habang ako - nakatingin sa butas na bahagi ng upuan ng sasakyan. Maraming pumapasok sa aking isipan habang si Manong nagpapakarga ng krudo sa malapit na gasolinahan. Patuloy sa pag-andar ang dyip. Ganap nang inagaw ng kadiliman ang kapaligiran.
Isang malalim na himutok, nakaka-inip na. Hanggang kailan mag-aantay sa bagay na nais makamtan. Bakit parang napaka-ilap niyang abutin. Patuloy sa pag-alaala sa nakaraan. Habang naka-masid sa malakas na buhos ng ulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ano naman yang di mo maabot, ha? hehe
gillboard
June 17, 2009 at 3:00 AMpandak kasi.
Jinjiruks
June 17, 2009 at 3:02 AM