Karamihan sa mga panaginip natin nakakalimutan agad natin pagkagising. 2nd time this year na naalala ko na naman ito pero hindi ko na alam ang pagkakasunod dahil sa ilang oras na rin ang lumipas. Pero ang buong ideya ng panaginip eh - Nagkaroon daw ako ng pakpak pero hindi ko naman nakikita, nakakapit sa paa ko yung batang gusgusin na nililigtas namin ng kasama ko (na anyong paniki naman). Naghahanap ng lugar na matataguan sa humahabol sa kanya. Habang lumilipad, ang sarap sa pakiramdam na namamasdan mo ang mga bagay na nakikita ng isang ibon sa himpapawid. Bawat bubong ng bahay at gusali binabaan namin para makahanap lang ng matataguan. Hanggang sa pumasok kami sa isang bahay na kung saan kontrolado ang paglipas ng panahon.
Nakakainis nga lang at nag-alarm na ang aking cellphone - oras na para magbihis at pumasok. Pero sana mamaya matuloy itong panaginip ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari sa amin paglabas ng bahay, kung ano ang itsura ng hinaharap, at sino ang batang nililigtas namin. At bakit kami lang ang may ganung kakayahan na lumipad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Paglipad
Post a Comment