Pangarap

Nung Sabado ng hapon habang nasa bahay nina Rene at nag-uupload ng mga Cosplay pics sa nakaraang ToyCon, niyaya ko si Rene na punta saglit kina Angelo para maki-balita kung anu na nangyari sa kanya. Hindi kasi nagpaparamdam ang mokong. Nagulat na lang ako pagkakita sa bahay nila. Totoo nga pala ang naririnig ko na pinaayos na nila ang harapan nila at hiwalay na ang bahay sa computer shop.

Maluwag ang area, blue ang paint, ok ang ilaw. Iyun nga lang nalilikihan ako sa bintana niya na pwedeng pumasok ang 2 tao sakaling walang grills talaga. Hindi naman abutin ng tubig-ulan hindi kagaya sa amin. Pero naalangan ako sa lugar kasi masyado siyang tago at nasa kabilang side pa ang gate ng mga high school students. Samantalang sa harapan nila eh walang ilaw ng poste kaya madilim kahit me kanya-kanyang ilaw ang mga bahay.

Natutuwa ako kay Angelo kasi unti-unting natutupad na niya ang kanyang pangarap na computer shop mula nung nag-aaral palang kami. Ako naman kasi gusto rin magsimula ng ganung business kaso ipon pa ng capital at ok na spot. Isa ring ambition ko eh makapunta sa Square-Enix sa Japan, at alam mo na sana makapag-trabaho dun. Final Fantasy fan kasi ako kaya ganun na lang ang desire kung makapunta at makilala ang mga staff behind the greatest RPG franchise. Hehe! Nanaginip nga ako kanina na isa raw ako sa nanalo sa pa-contest nila na hanapin ang mga bugs sa FF14 (current online game), pinadala daw ako sa Japan para mag-tour, nag-offer sila ng job sa akin. Hanggang sa dun na ako nanirahan. Hehe! Kakatuwa lang isipin.

4 Reaction(s) :: Pangarap

  1. antagal ilabas ng FFXIII!!! Ang tagal ng 2010!!!

  2. halos lahat po ng games sa ps3 sa 2010 ang labas! so it's gonna ba the year of the consoles next year!

  3. wala ako ps3... xbox version bibilhin ko... ps3 is just a nice blueray player.. hehe

  4. ewan ko lang pero kung ako sau pagiipunan ko nalang ang ps3. wahehe!