Sarap Matulog
Grabe, ang sarap ng tulog ko kanina. Palibhasa kasi tuloy-tuloy ang pag-ulan ngayon. Pinili kong matulog sa taas ng bahay dahil ayoko ng istorbo lalo na't magigising lang ako sa ingay ng tawanan dahil sa panonood ng Wowowee nila Mama. Pag summer parang hurno ang taas namin kaya lahat kami nasa baba. Pero ngayong panahon ng tag-ulan, napaka-cool and cozy ng lugar. Naglatag ako ng banig, hinanda ang aking 3 peborit na unan, yung orange para sa ulo, yung blue bone pillow para sa likod at yung square green dino sa harap. Inakyat ko na rin ang aking charger at cellphone. Kaunting chat/text sa mga kakilala, paantok mode. Then nag-charge na ako at natulog na rin. 5pm na nang ginising ako upang maghanda sa pag-pasok. Sana araw-araw ganito ang tulog ko. Amen!
by
Jinjiruks
June 4, 2009
8:50 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
malamng sa alamang eh ganyan ang magiging tulog mo sa mga susunod na araw..linggo..buwan? ahihihihi
tag-ulan na kaya..
sarap nga matulog ng nakapamaluktot sa higaan kapag malamig.. yun lang.. may kakambal na KATAM syndrome ahihihihi
Trainer Y
June 4, 2009 at 10:15 PMsarap naman nyan!
Jerick
June 4, 2009 at 10:32 PMminsan kaya eepal ung araw sa tanghali then all of a sudden makulimlim na naman. yay!
Jinjiruks
June 5, 2009 at 12:01 AMnaman, sarap kaya talaga matulog pag malamig... lalo na pag mag isa ka lang un wala istorbo ako rin e sa taas ako ng house namin natulog para wala istorbo.. ayun, effective sya.. diretso tulog pero bakit ganun pag dating sa opis antok pa rin ako... kainis... lagi na lang headbang.. hahaha
eedyoj
June 5, 2009 at 1:12 AMhehe. ikaw kasi baka anung oras ka na nakakatulog. mag update ka na ng blog mo.
Jinjiruks
June 5, 2009 at 1:24 AMbuti ka pa sarap tulog... ako ikli lang kahit maulan... lecheng Grey's Anatomy yan... nakakaadik... hehehe
gillboard
June 5, 2009 at 3:18 AMkasi ba naman sa restday na manood ng ganyang series.
Jinjiruks
June 5, 2009 at 3:23 AM