Bagong Simula

Pagkatapos ng ulan,
balik sa normal ang lahat;
Napawi na ang pait ng kahapon
at oras na sa bagong panimula ulit.




Buong araw na tulog mula pa nung Sabado, binawi lang ang mga kulang na oras tuwing weekdays. Nakakatuwa dahil ang katawan na mismo ang gumagawa ng paraan para makabawi.

Kinahapunan. Welcome Home Eben mode. Kinita si pareng Eben sa Robinson MetroEast para kunin ang epektos mula pa sa Singapore. Sayang nga lang at hindi ganun katagal ang usapan dahil inaantay siya ng Mama niya sa Sta. Lucia naman pero masaya ako at finally nagkita na kami ni Eben at nakapag-usap kahit papano. Naniniwala naman ako na hindi pa ito ang huli sa aming pag-uusap. Salamat ulit parekoy! Message na lang ulit sa YM at Twitter.

Kinagabihan. Nagulat nang makatanggap ng text message mula kay Kenneth, isa sa mga kababata ko dito sa lugar namin. Pasyal daw muna kami bago man lang siya umalis ng bansa sa katapusan. Pumunta kina Angelo, mabuti at gising pa ang mokong. Ayun usap-usap na parang mini-reunion ang eksena. Napagpasyahan na sa next Sunday, punta ng Avilon Zoo ulit kasama na ang iba pang pwedeng sumama. Mga ala-una na nang makauwi. Masaya na naman ako dahil bumabalik ang mga dating nagbibigay sa akin ng kasiyahan kahit sa munting paraan.

Salamat sa inspirasyon at handa ko nang harapin muli ang bagong simula!

6 Reaction(s) :: Bagong Simula

  1. nice to know you're happy. sana laging ganyan. :)

  2. kainggit naman, at nagkita na kayo ni kuya eben

  3. andito pala si eben... di man lang nagpaparamdam... la pa ako pasalubong dun.. hehe

  4. @aris
    thanks kuya aris

    @eben
    ahaha. may pinabili lang akay eben. sandali lang siya dito sa Pinas. mapalad ako at nakadaupang-palad ko siya kahit sandali lang!

  5. nagkita pala kayo ni eben? bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin? LOL

  6. Lol. Nagkita rin kayo ni Gil?