Bonding

Sabado ng hapon. Kahit makulimlim, text pa rin ako kay Kenneth na dumaan kina Angelo para pag-usapan yung tungkol sa Wawa hiking. Dala niya pa rin ang motor niya. Kahit ayokong umangkas, sumakay na rin ako. Hindi talaga ako sanay sumakay sa mga ganyan dahil mas mataas ang risk maaksidente compared sa ibang vehicle.

Nakarating kina Angelo bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Mag-isa lang siya sa haus. Excercise mode daw siya, natawa na lang kami. Ayun, reminisce lang about our elementary days. Kung saan dun pa nakatira sila Kenneth sa harapan ng paupahan sa may G. Bautista street, kung san tambay si Angelo sa kanila minsan (at ako naman na tambay sa haus ni Angelo para maglaro ng SNES).

Mga crush nung panahon na iyon hanggang sa high school. Kung ano na ang nangyari sa ibang mga classmate namin. Pinag-usapan rin namin ang hotseat of the day na si Kenneth, kinuwento niya lang niya ang mga gigs niya, ang mga babae niya at since gymfit itong kababata namin hinimok niya kaming mag-workout sa gym at binigyan pa kami ng challenge na dapat pagkabalik niya sa Pinas eh pareho na kami ng katawan. Mukhang napasubo ata ako dito pero wala namang masama kung susubukan ko na rin. Kinuwento rin niya ang work ng Dad niya at siya mismo, Captain Waiter kasi ang dad niya at sinasama siya nito minsan pag may buffet-type party. Kung paano siya sumisimple sa pagtatago ng pagkain at inumin. Natatawa nalang kami at natatakam sa kwento niya.

Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras sa sarap ng usapan namin. Hanggang sa bago umuwi napag-usapan na kapag maganda ang panahon, diretso kami sa Wawa pag hindi naman eh diretso na kami sa gym na kung san regular siya dun na nagwo-workout. Then umuwi na rin kami pagkatila ng ulan.

Nagsisisi talaga ako kung bakit ngayon lang namin ginagawa ang ganitong bonding na kahit sa simpleng pag-uusap lang eh solve na rin. Kung kelan aalis na si Kenneth para mangibang-bansa saka pa nag-push through mga ganitong event.

Bro ilang araw na lang at aalis ka na. Sa sandaling panahon ng pagsasama nating tatlo nina Angelo, nag-enjoy ako sa mga oras na iyon. Muli kong nakita ang kasiyahaan nung aking kabataan na hindi ko na nahahanap ngayon. Salamat a pagbahagi ng parte ng iyong buhay sa amin. Ingatan mo ang iyong sarili. Tuparin mo ang pangako mo pagbalik at ganun din kami sa iyo.

0 Reaction(s) :: Bonding