Sana lang hindi ako ma-headbang dito sa work ko dahil isang oras lang ang itinulog ko kanina. Kung minamalas ka nga naman, kung kailan patulog ka na (katanghalian) eh saka naman mawawalan ng kuryente.
Kumportable akong natutulog malapit sa terrace ng bahay namin nang biglang nawalan ng kuryente. Siyempre, tapos nang umulan nun at lumitaw na ang Haring Araw kaya todo init bigla. Buti kung tulog na ako nung nangyaring brownout eh, kaso gising pa ako.
Hindi pa naman ako makatulog kapag mainit at pawisan. Grr. Bumaba ako at sinubukang magpa-antok pero wala pa rin. Puro paypay lang ang ginawa ko at asar na asar na ako. Sinubukan kong palipasin ang oras sa pag-login sa Uzzap kaso sa sobrang antok, nabitiwan ko ang cellphone ko at salamat na lang - sa rubber shoes ko nahulog at hindi sa semento.
Mga bandang alas-2 salamat na lang at bumalik na ang kuryente. Hindi agad ako nakatulog dahil gusto ko pa kausapin ang baby ko. Pero nakatulugan ko rin siya. Pasensya na talaga. Mga Alas-3 na ako nakatulog at nagising naman bandang 4.45pm dahil na rin sa alarm. Kakapagod ang ganitong routine. Huhu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Brawn-awt
Post a Comment