Hayz, ewan ko. Pumasok na naman ako sa isang relationship na hindi alam kung may patutunguhan nga ba. Ayoko na kasi maulit pa ang mga bagay na nangyari na kagaya ng maling desisyon ko.
Mamaya kasi kagaya nung mga nakaraan, baka hindi love kundi lust lang nararamdaman ko sa isang tao. Sa simula akala mo love na iyon pero after niyong mag-sex, saka mo lang mare-realize na libog lang pala iyon at parang natunaw na bula lang ang inaakala mong pagmamahal. Wrong signal na naman ang nasagap ko just in case. Bakit kasi ang hirap recognize ang dalawang bagay na iyan. Sobrang nipis ng linya na hindi mo alam na tumawid kana pala sa boundary ng bawat isa.
Sa mga taong nagdaan sa aking buhay, sa loob ng ilang taon. Hindi ko pa talaga nararamdaman ang malalim na pagmamahal kagaya ng description ng iba ukol dito. Ewan ko, hindi ko alam kung bakit ganun ako. Dahil ba sa hindi ko mahal ang sarili ko, kaya ganun din ang nagagawa ko sa iba. Gusto ko maranasan yung tunay na pagmamahal. Hindi yung mababaw lang. Yung handa kong i-sakripisyo ang lahat para lang sa kanya. Against all odds.
Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Wala akong ideya kung papano nabubuo iyon. Kung papano umuusbong mula sa simpleng pakikipag-ugnayan lang sa isang tao. Sana dumating na yung taong iyon para ipakita sa akin ang totoong kahulugan nito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
yes! ako ang nauna' sino naman ang Lucky someone? I am so happy for you. sana siya na yang hinahanap mo. Ingat lagi
bampiraako
July 3, 2009 at 5:52 PMTry to know that very well before you jump to a decision you will regret. Pero kung andun ka na, try to work it out. let your love to that person yearn kasi he might be expecting that you love him, mahirap kasi ang 'maiwan' pards pag libog lang pala ang lahat. =)
Mike
July 3, 2009 at 8:17 PM@dan
saka ka lang dadaan pag may issue hmp. bakit hindi ka nagpaparamdam ng ilang linggo.
@doc mike
baka nga ako ang maiwan sa urong-sulong kong desisyon.
Jinjiruks
July 3, 2009 at 9:05 PMisa lang ang payo ko sau jeff pag-isipan mong mbuti kng tlagang sya n nga o hindi p.wag yng puro kalibugan m n lng ang paiiralin m hahaha.mhirap msaktan at iwanan s huli lalo n kng binigay n ng girl yng sarili nya sau tpos ilalaglag m lng pla,respeto naman s babae. kaw dn bka mkarma k...kng tlaga mahal m pnindigan m yn lng ang payo ko sau. Charlene S.
Anonymous
July 4, 2009 at 4:17 PM