Last Saturday afternoon, gaya ng napagusapan. Pumunta kami nina Angelo kina Cyril ulit para maglaro ng Little Big Planet. Nag-text ako sa iba pang PS Boys dahil si Cy naman ang nagyaya pero walang reply kaya bahala sila kung punta ba sila o hindi.
Masyado kaming naadik sa game na ito. Multi-player kasi siya unlike ng usual games na 1-2 player lang. Kaya mas magulo at unahan pa minsan. Marami nang award at positive reviews ang nakuha ng game na ito. Mahalaga ang game na ito sa Playstation 3 dahil ito ang magsisilbing baseline sa mga future games na gagawin nila dahil na nga sa overwhelming support ng game communities sa games na ito at sa mga awards na nakuha nito mula nung lumabas ito sa market.
Ika nga ni Wikipedia sa game na ito..
"The game received an overwhelmingly positive reaction from critics and has been praised for its presentation, including its graphics, physics and audio, along with its gameplay and large array of customisable and online features. Additional praise was given to its scope and future potential based on user-created content; minor criticism was reserved for specific elements of the gameplay mechanics and level creation facilities."
Eto nga pala ang Official Trailer ng game, mula kay YouTube..
Nakakatuwa siya laruin dahil na rin sa "freedom" na nagagawa nito sa players unlike sa ibang games na halos controlled ang environment at movement mo na predictable masyado. Sobrang lawak ng area, although kahit run at jump lang ang basic movement niya, na compensate naman siya sa mga add-ons ng game kagaya ng custom character appearance, stickers, yung free environment, interesting puzzles, mga hidden items at mga unexpected traps/pitfalls na siyang nagbibigay kulay sa game.
Hindi mo mararamdaman ang oras pag naglalaro ka, dahil sobrang busy ka sa mga puzzles at minsan competitive dahil may timed event kung saan maguunahan kayo sa pagkuha ng mga items para lumaki ang share mo sa pie chart ng mga loots. Cooperative rin dahil hindi ka makakausad hanggat hindi mo nagagawa ng bawat isa ang role nila sa area like taga-pull ng lever, taga-buhat ng ganitong bagay etc.
Parang mini-game review na rin ito dahil i really recommend ang game na ito dun sa iba na gustong bakasyon muna sa seryoso at kumplikadong mundo ng RPG or walang katapusang Action/Strategy games. Nakakawala ng stress at halos sumakit ang tiyan ko kakatawa at sigaw dahil nga sa unahan minsan ng mga items ito at minsan kailangang umiwas sa mga traps. Kung pwede nga lang na gawing 8 players itong game na ito. Grabe. Labo-labo na siguro ito at sobrang kulit ng game.
Sa sobrang kaadikan at hindi na namin napansin ang oras, umuwi na kami nila Angelo at Rene mga bandang gabi na at nagsabi kay Cyril na next time iyon ulit and this time sumali siya at yung tinutulugan pa kami.
i like the idea of having a big environment. the character looks weird but the game looks so cool!
but they also explode. hahaha...
escape
July 6, 2009 at 11:25 AMwahaha. ok nga yan kuya dong. talagang sumasabog sila lalo na pag nalalapit sa tinik, nasusunog or self explode pwede.
Jinjiruks
July 6, 2009 at 9:43 PM