Pag-iisa

Lunch time na.

Sinundo mo ako sa opisina kagaya ng palagi mong ginagawa. "Hindi ka ba inantok kanina?", ang tanong mo. "Hindi naman, kahit ilang oras lang ako nakatulog". "Alagaan mo ang sarili mo, ayokong magkasakit ang baby ko!" sabay pisil mo sa aking pisngi.

Habang naglalakad sa kalsada, inakbayan mo ako, sabay halik sa pisngi ko. "I love you!", napangiti na lang ako bigla. Hindi mo napapansin, kanina pa akong nakatitig sa iyo. Sinabi sa sarili "Ang swerte ko talaga at nahanap kita. Walang salita ang makakatumbas sa kaligayahang nararamdaman ko kapag kapiling kita, Mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko."

Nang biglang napalingon ka, "Bakit may dumi ba mukha ko". "Wala naman!", bigla kong sambit. Napakaamo ng iyong mukha na parang inosenteng bata. Ang mapupulang labi mo, ang mapungay mong mga mata at ang cute mong dimples kapag napapangiti ka. Niyakap kita ulit nang mahigpit at ganun ka rin sa akin.

Pumasok tayo sa isang fastfood chain, umorder ng pagkain. Pagkaupo, kapwa tayo nagsaluhan ng pagkain. Ang saya-saya ko nang mga oras na iyon. Parang tumigil ang mundo para lang sa atin sa saliw ng kantang "You'll be in my Heart". Panay tawanan at harutan ang ginagawa natin. Sana hindi na matapos ang sandaling iyon.

Pagkatapos ng kanta, bumalik sa dati ang lahat. Ang realidad na nag-iisa lang ako sa upuan, walang kasama. Imahinasyon lang pala ang tumatakbo sa aking isipan mula sa simula palang. Ang pag-aakalang nahanap na ang espesyal na tao ay parang papalubog na araw sa takipsilim na unti-unting binubulid ng kadiliman ng gabi.

Lumabas na ako at naglakad pabalik sa opisina. Akala ko kakayanin ko na mabuhay na mag-isa, hindi pala. Kapag may problema ka, masaya ka, frustrated ka, inspired ka - ikikimkim mo na lang sa sarili mo. Hindi mo maibahagi ang parte ng buhay mo. Nakakalungkot.

9 Reaction(s) :: Pag-iisa

  1. la ka ba friends.. you can be alone but not lonely...

  2. part fiction lang yan gil. iba naman kasi ang kaibigan sa kaibigan.

  3. ang opinyon ko dyan... if you have the right friends you won't need to worry about being single..

    pero minsan talaga di mawawala yung mga bouts of depression... so i'll just shut up. hehehe

  4. hehe. maski ikaw gil kahit anung tangi mo. nababasa ko naman sa post mo na bumibigay ka rin sa kalungkutan!

  5. kung malungkot ka man, lilipas din yan. hug uli kita hehe! :)

  6. The way she feels inside
    Those thoughts I can't deny
    These sleeping dogs won't lie
    And now I tried to but it's eating me apart
    Trace this nightmare

    Dirty Little Secret
    All American Rejects

  7. kalungkutan, mahirap, sumisiksik sa kaibuturan ng laman, nararamdaman ang lamig ng pag-iisa, ang paligid na tahimik...

  8. there will always be more to loneliness. :D

  9. hayz sabi na ganyan reaction nyo. hehe! tapos na iyon. mood swings ko lang cguro ito!