Minsan parang ayoko nang umuwi sa amin. Sa pagpasok palang sa pintuan, wala kang maririnig na "nakapag-loan ka na ba?", "overdue na ang Meralco natin!", "Kuya, asan na ang tuition fee ko", "pahiram muna ng pera para sa tindahan!".
Hindi naman ako madamot lalo na pag oras na ng sahod. Nagbibigay ako ng higit pa sa kalahati. Na halos pati personal allowance ko, sasagadin na. Sa totoo lang sobrang sakripisyo ang ginagawa ko sa kanila ngayon. Sarili kong pangangailangan isinasantabi ko na para lang sa kanila.
Pero ano pa ang mapapala mo. Magagalit sa iyo dahil kulang palagi ang pera. Anu pa ba ang dapat kong gawin para ma-pleased lang kayo. Kinakapalan ko na ang mukha ko kahit kanino kung kailangan talaga ng pandagdag na pera. Ako nagbabayad sa mga utang, ako na ang hinihingian tapos ako pa ang masama.
Bakit ako lang ba ang tao sa amin. Itong isa kong kapatid na sobrang batugan at tambay lang sa bahay. Paalisin nyo na yan at pag-abroad-in para makatulong naman kahit papano. Ayoko kasing sa akin pa lahat ang sisi samantalang ginagawa ko naman ang lahat para sa kanila.
27 anyos na ako pero nakatira pa rin ako sa amin. Hindi ko pa nararanansan maging independent, hanggat hindi pa nagiging financially stable sila. Pero hanggang kailan ako ganito. Tumatanda na ako. Napag-iiwanan na ako ng iba. Naaalala ko na naman ang MMK story kung saan bida si Eugene Domingo. Nakaka-relate ako sa story niya na sinakripisyo ang personal na kaligayahan para sa pamilya.
Hay buhay, sakal na sakal na ako sa pesteng buhay na ito.
Paunawa: Hindi po ako galit sa aking magulang o kahit sino. Nadala lang po ako ng aking emosyon. Tao lang po ako, napapagod at nagkakamali.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
dude, pamilya mo yan... di ka makakarating kung san ka ngayon kung di dahil sa kanila...
marami dyan kahit anong gusto nilang gawin para makatulong di nila magawa kasi di nila kaya...
kung nasasakal ka pwede mo naman sila kausapin...
payong kaibigan lang..
gillboard
July 16, 2009 at 3:56 AMim not mad at them. stress releaser lang itong entry na ito. nagkataon lang na sa kanila natuon ang naipong negativity ko.
Jinjiruks
July 16, 2009 at 4:02 AMpre, naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaksyon mo. pasasaan ba at maayos din ang lahat. konting tiis lang ika nga. sa ngaun, ikaw ang meron kaya ikaw ang nilalapitan.
sana ayos kn ngaun.
Anonymous
July 16, 2009 at 2:10 PMhehe. ok na naman po ako ngayon. salamat sa advice.
Jinjiruks
July 16, 2009 at 9:13 PM