Sa simula akala ko, isang simpleng pagkikita lang ito. Inaasahan ko na sa sarili ko na walang mangyayari matapos ang pagkikita na iyon. Na lilipas din iyon at magkakalimutan rin kami.
Pero sa pagdaan ng mga araw, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko mas naging concern ako sa kanya. Bakit siya ang laman ng puso at isipan ko. Bakit gusto ko na lagi siyang makita, mahagkan at mayakap palagi. Bakit gusto ko siya.
Kaso hindi lahat ng nangyayari kagaya ng sa nababasa natin sa mga fairy tale. Merong mga isyu pa rin sa kanya kaya hindi niya tuwirang masagot sa aking mga tanong. Hanggang ngayon, hindi pa rin maayos ang closure ng kanyang relasyon ngayon. Sinabi niya sa akin, magpakatatag ka lang. Pag naayos na ito, ikaw ang babalikan ko. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na darating ang araw na iyon.
Lumipas ang ilang araw. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya na hindi pa dapat dahil nga masyado pang maaga. Masyado akong atat ngayon at gusto ko na ng kasagutan mula sa kanya. Hanggang kailan ko itutuloy itong kahibangan na ito? Meron ba akong mapapala sa matagal na paghihintay? Kung bakit kasi kailangan ko pang danasin ang ganitong yugto ng pakikipag-relasyon. Marami na nga akong iniisip sa buhay. Dadagdag pa ito.
Hindi ako nagrereklamo. Hindi ko lang alam kung tama ba ang landas na tinatahak ko ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Love is in the air!
Sino naman yan? hmmmm
bampiraako
July 17, 2009 at 6:09 AMnasa air ba? baka virus lang yan!
Jinjiruks
July 17, 2009 at 9:14 AMyou'll soon figure out what's the best thing to do. just hang on.
sabeeeel, this must be loooove! :)
Aris
July 17, 2009 at 10:30 AMhaha. sana nga aris!
Jinjiruks
July 17, 2009 at 9:05 PM