Friday afternoon. Meet kami ng hubby ko sa MOA. Buti na lang at hindi ako na-late sa usapan namin at kararating ko lang. Naiyak naman ako habang sakay sa bus habang nasa biyahe kasi pinapanood ang Black Hawk Down na naman, naaawa lang ako sa mga soldiers na nagbuwis ng buhay para lang sa peace and order. Around 4pm na ako nakarating sa MOA. Nagkita kami ni hubby sa may McDo. Kumain lang saglit sa Chow. Cute ni hubby that time, wearing eyeglass pa. Kinikilig na ako sa mga ganung looks. Hehe! Can't helped na pisilin ang cheeks niya. Sabay kiss pag walang tumitingin. Naglakad-lakad sandali. Then napagusapan na watch na muna ng movie bago pa dumami ang tao pag gumabi na. Hubby sorry na at hindi Harry Potter pinanood natin, sa IMax lang kasi at ang mahal, not worth the money. Kaya pinanood lang namin G.I. Joe, actually purop mixed reviews narinig ko. Sabi ng iba Ok daw while others hindi kuntento.
Around 6pm pa ang movie, kainis kasi sureseats siya and 1-time viewing lang, kung alam lang namin na ganito policy lumipat nalang kami ng mall ni hubby. Bili lang sandali ng popcorn and drinks. Nag-antay sa may couch sa labas. Nang makapasok at wala pang tao. Siyempre kiss agad ako sa hubby ko. Hehe! Minamanyak ko na siya literally. Hanggang sa unti-unti na ngang dumami ang mga moviegoers. Ok naman ang movie, naastigan ako sa car-chase part. Ganda ng action, talagang adrenaline rush pag ikaw mismo ang andun sa movie. After the movie, stroll lang sandali sa mall. Then we decided na dumaan na kina Micko para sa toma session nila ni hubby. Nag-taxi na kami para maabutan sana sina Ian/Jatjat kaso nasa biyahe na daw sila at nung hapon pa dumating. Mga 10pm na nakarating kina Micko, kasama niya sina Dicko, alvin, Kuletz at si Ivantot. Medyo naiilang lang ako at shock kasi hindi talaga ako sanay at hindi nagpupunta sa ganitong inuman.
Hindi naman kasi ako umiinom at sinamahan ko lang si hubby para makilala ko yung iba. Kumain lang sandali sa pares kasi sarado na ang Mcdo/Jolly sa area nila Micko. Grabe ang init ng panahon. Usap lang kami ni hubby sa buhay-buhay, hanggang sa bumalik na kami kina Micko. Ayun usap-usap lang din at maraming tanong mga tao sa amin. Late nang dumating si yell at humabol pa sa amin. Hindi ko na pina-inom ng masyado si hubby kasi nga ayoko malasing siya masyado. Umabot ng 5am sila, pinapasok ko na si hubby sa loob ng haus para rest mode kami saglit. Grabe ang lagkit-lagkit ng pakiramdam ko. Pawis nga si hubby kaya pinunasan ko na rin siya pati sa likod. Mga 7am umalis na kami kina Micko - sumakay na ako ng bus and bid goodbye kay hubby. Medyo nakatulog nga at hindi ko namalayan na dun na pala ako sa Litex, buti at ginising ako ng konduktor.
Happy ako sa pers deyt namin ni hubby, though may kaunting shock pa pero dagdag experience na naman sa akin ito. That night, kahit papano nagkausap kami bout sa life namin and lalo pang tumibay ang bonding namin. Super bait niya sa akin kaya tinutumbasan ko rin. I'm praying na mas lalo pang maging strong ang relationship namin. Hubby mahal na mahal kita. Thanks for being there for me.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
commonly, hubby is short for husband di ba...?
Ronnie
August 18, 2009 at 2:20 AMerr iyon po kasi gusto niya eh.
Jinjiruks
August 18, 2009 at 5:18 AMwow Jin. go lang.
Anonymous
August 18, 2009 at 8:41 AMhubby? lalake sya? langya
Raniel L
August 18, 2009 at 2:23 PM@xtian
yeah
@raniel
pareho kayo mag-isip ni ymir. eh tawagan naming dalawa iyon eh. wala kaming maisip eh.
Jinjiruks
August 18, 2009 at 9:36 PM