Saturday morning. Dali-daling sumakay sa bus papuntang LRT. Nagsimulang uminit ang ulo nang halos 1 oras nang nag-aantay kay Ar. Pinasuyo kay Yell bunso. Wala pa ring sagot. Nagpa-load na ako. Wala pa rin hanggang sa ma empty batt. Sobrang init na ng ulo ko, nginig na kamay ko. Muntik ko na itapon cellphone ko. Buti dyan si bunso pinakalma ako. Muntik na ako umalis nun, buti sinubukan na tumawag. Nasagot niya ang tawag at papunta na, natakot siguro sa lakas ng boses ko.
8am. Inabutan niya ako nakaupo sa stairs ng LRT. Todo ang sorry. Kumain sa Jabi saglit. Hindi ako umiimik pero hindi ko naman siya matiis dahil sincere siya sa pagso-sorry at mahal ko siya. Sumakay na ng jeep papunta sa kanila, tahimik kasi mainit pero Ok na kami. Wala lang culture shock na naman ako sa mga nakikita ko sa paligid. Mas depressed pa pala mga tao dito unlike sa amin na kahit papano matino naman ang tinitirahan.
11am. Nakarating na rin sa haus nina Ar. Rest mode sandali sa sobrang init. Then nagluto na si Ar habang basa lang ako ng books sa room niya. Then the rest is history. Mga hapon na kami nagising at kumain ng nilagang baboy na luto ni mahal. Sarap-sarap at pwede na kamo siya mag-asawa. Haha! Pinapanood si Ar habang natutulog.At ganun din siguro siya sa akin.
6pm. Me pasok pa si Ar. Kaya nag-handa na kami. Umalis bandang 6.30. Nagbabadya ang ulan. Sweet pa rin kahit sa jeep. Wapakelz kahit daming tao tumitingin. Around 7pm dumating sa Recto, sakay sa FX, sweet pa rin. Idlip sandali si Ar. Bumuhos na ang ulan nang papalapit sa Mega. Inantay nang kaunti patila ng ulan, sumugod na rin si Ar kasi baka ma-late siya. Nag goodbye kiss bago umalis.
9pm. Lakas ng ulan. Hindi na nag-MRT kasi nga pagod na rin at malakas pa rin ulan. Nakasakay na rin sa bus. Sinuot na ang jacket dahil super lamig. Watch Mission Impossible sa bus. Nde ko siya balak panoorin pero ganda pala ng action scene kaya planong bumili ng DVD. Hehe! Kainis kasi mula umaga empty batt ako, hindi na ako nakapag-text sa iba. Around past 11pm na ako nakauwi sa amin.
Past 11pm. Charge agad ng phone. Mga 15% energy hugot muna. Basa ng mga messages, kinumusta ang mga berks ng f193 sa GEB inuman session sa Malate. Nakatulog na rin mga ilang minuto after maligo. Nag goodnight kay mahal. Saya-saya ng araw na ito.
Last Friday night. Excited kasi magkikita kami ni Ar bukas ng umaga. Naburo ako sa iced cold kape sa bagong vendo. Medyo umasim ang tiyan ko. Wala pa rin si Ate Bebe sa work, kung ano man ang nangyari sana maging ok na ang lahat. Si Ar pinapatulog ko nang maaga pero ayaw sumunod, matigas ang ulo.
Last Thursday night. Kaunting tampuhan with Ar. Paranoid na naman ako. Paano kasi bihira magparamdam, pero nagkaayos rin after a couple of hours.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 8/29 Hausbesuch
Post a Comment