Sobrang maalinsangan panahon ngayon, pero mas Ok na ito kesa naman umulan hanggang sa mabasa ang pantalon ko na naman. Mabuti na nga lang at mahangin nung nasa jeep ako. Pero nung pagsakay sa MRT, nagmamadali nga ako kaya sumakay agad ako kahit puno na. Panay ang paypay ko sa loob dahil hindi sapat ang aircon. Tapos ang sikip-sikip pa sa looban dahil nakisiksik lang ako sa bandang pintuan. Hanggang sa pagpasok sa office, haggard na ako. Sana man lang nga may shuttle service kahit sa Cubao man lang para maibsan man lang ang aking paghihirap.
Sunday ng hapon. Nagkita kami ni Angelo sa may Mercury ulit sa usual gym routine namin, kasama sina Mike at Adar. Tiningnan muna nila ang area and mukhang nagustuhan naman nila kaya next week babalik daw sila. Siyempre bonding time ng barkada ito. Salamat nga pala kay Mike tinuruan ako ng routine para sa upper body workout lalo na ang chest at sa biceps/triceps. Pagkauwi dumaan lang sandali sa Pares haus hanggang sa umuwi na kami.
Saturday ng hapon. Napag-usapan namin ni Angelo na dumaan kina Cyril para tumambay at laro ng video games. Akala ko PS3, iyon pala PC game, yaman talaga ni Cy at maganda ang LCD monitor niya. Sila lang naman naglaro ng Street Fighter, hindi ako mahilig sa fighting games kaya nag settle nalang ako sa PSP niya na Crisis Core ang bala. Gabi na rin kami umuwi nun. Sayang nga lang at hindi makakasama si Cy sa gym dahil nag-iba na ang sched niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sinabi mo pa. 2 days na ako na pa ikot ikot from qc to makati para sa iba't ibang client. since nagtitipid iwas taxi at jip/mrt/lakad lang. kaya oil spill na ata at hindi lang basta pawis lumalabas sa katawan ko.
Anonymous
August 11, 2009 at 11:31 PMahaha. nde ka naman kasi kasing taba ko para pawisan.
Jinjiruks
August 12, 2009 at 12:13 AMnag gain ako ng weight sobra. kaya parusa talaga.
Anonymous
August 12, 2009 at 12:54 AMbakit naman langis ang lalabas sa katawan mo
Jinjiruks
August 12, 2009 at 1:44 AMlahat na ata na pwede lumabas.
Anonymous
August 12, 2009 at 12:46 PMhaha. iba ang naiisip ko!
Jinjiruks
August 12, 2009 at 9:15 PMhahaha kaw talaga. parang alam ko kung ano na yang iniisip mo.
Anonymous
August 13, 2009 at 8:08 AMiba ang iniisip ko!
Jinjiruks
August 13, 2009 at 9:19 PM