Salamat ulit sa malakas na ulan sa bandang Commonwealth at basang-basa ang aking pantalon. Paguwi sa amin, agad kong sinabit sa hanger at pinatuyo. Akala ko pa naman matutuloy ko ang panonood ng X-Files marathon kaso busy ang mga tao sa amin sa panonood ng libing ni Tita Cory.
Sabi ko kay Mama na sa taas na sila manood kaso nga mapilit siya at sinabi i-akyat ko na lang ang DVD player, para namang may jack yung TV sa taas para sa DVD. Kaya ginawa ko since hindi pa naman expired ang load ko, Smart Uzzap muna. Makibalita sa mini-EB nila sa Robinsons Ermita.
Kasabay nun eh pinanood ko na rin ang telecast ng mass ng yumaong si Tita Cory. Iba na talaga ang technology ngayon, kung dati puro radyo lang halos at delay pa ang mga video feeds. Ngayon real-time A/V, where it happen & as it happen. Lalo na ang Sky Patrol ng Dos, pinapakita ang route kung saan daraan hanggang Memorial Cemetery.
Natatawa na lang ako sa mga intermission ng mass, naging ASAP live nang kaunti dahil halos sila-sila rin ang pinili ng mga Aquino na kumanta para sa mass. Kinilabutan talaga ako nung kinanta na ng APO at ng iba pang artista ang "Handog ng Pilipino sa Mundo", nagkaroon ako ng positive reinforcement dahil dun at naging proud ako na naging Pinoy ako.
Hindi ako nakatulog nang maigi kakapanood, halos isang oras lang ako nakatulog at pag-gising ko pinanood ko ulit. Natatakot na akong ma-late kaya maaga palang umalis na ako, hindi ko na nahintay na ilagak sa huling hantungan ang ating mahal na Presidente. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit hindi gaano nakatulog, hindi palaging ganito. Minsan lang natin mararanasan ito at were watching history in the making na naman.
Bakit kailangan pang may mamatay na Cory Aquino, para lang magising tayo ulit sa ating pagkaka-comatose na isabuhay ulit ang kanyang pinaglaban na demokrasya. Kung gusto mo ng pagbabago simulan mo sa sarili mo. Sana nga maging catalyst ito para sa pagbabago nating mga Pinoy tungo sa ikauunlad ng bansa natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Yup ganun tlaga ang buhay. Natawa nga ako sa headline ng kaibigan ko sa facebook nya eh. Sabi nya: hmmm iyak ngayon, nakaw bukas... matamaan wag magalit...
Anonymous
August 6, 2009 at 11:48 AMwaaa. hindi naman sana ganun!
Jinjiruks
August 6, 2009 at 9:15 PM