- Pag-gising nang maaga (mga alas-5 ng umaga), ang malamig na hangin habang nasa jeep ka. Ang mahabang pila habang nag-aabang ka ng darating na jeep sa may Litex papuntang MRT-Quezon Ave.
-Ang siksikan sa MRT-North lalo na't rush hour pa naman.Miss ko na yung tipong hindi ako makahinga nang maayos, nasusugatan o nababalian sa kamay, yung tipong makakapasok ka na lang bigla sa train kahit hindi ka kumikilos at siyempre yung naughty things na pwede gawin pag masikip. Haha!
- Ang mag-trabaho kasama ng mga kasabayan mong shift dati. Ang kanilang tawanan, biruan, daldalan, sigawan at kung anu-ano pa. Ang pagkain sa tanghali sa jolly-jeep kasama ang ibang mga office buddies.
- Ang pag-uwi sa hapon nang "normal" kasama ang ibang empleyado na nagtratrabaho din sa Lungsod ng Makati. Kasama na rin ang pagkain muna ng kwek-kwek kasama si Rain bago sumakay sa MRT.
-Ang mga palabas sa TV lalo na ang balita sa gabi na hindi ko na gaan nasusubaybayan. Nagsasawa nako sa cartoons sa umaga. At siyempre ang matulog nang "kumpleto" - 8 oras hindi yung 4 na oras na mas kaunti pa.
Pero siguro tadhana na ang nag-decide kung bakit napunta ako sa ganitong shift at sa ganitong mga kasama sa function. Tingnan na lang natin kung hanggang saan ako daldalhin ng aking kapalaran sa shift na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hahaha nkakarelate ako sa siksikan sa MRT. sa cubao station parusa araw araw nung sa makati pa ako nagtatrabaho. ang sikip na parang magpapalit na ang mukha nyo. buti na lang gusot mayaman ang uniporme namin dati kaya d halatang naharass ka sa MRT.
Anonymous
August 7, 2009 at 10:21 AMwelcome po sa blog ko xtian. mas masarap nga pag masikip pero depende sa makakatabi mo. har har!
Jinjiruks
August 7, 2009 at 8:49 PM