- Usual routine pa rin pag weekends, eto umaabot na naman ako sa point na satiated na ako sa ginagawa ko, meron akong gustong gawin pero hindi ko magawa. Kung bakit kasi kailangan pa ng ibang tao para matuloy-tuloy. Nakakasawa na rin mag social networking. Wala nang bago. Maski sa YM nakakatamad na rin mag-chat. Puro virtual na lang. It's time na mas bigyan ko ng panahon ang reality.
- Maski sa pagpunta sa gym, kelangan may kasama pa ako. Hindi pa rin ako sigurado kung itutuloy ko pa siya. Pero mas malaki ang desire ko na ma-trim ang taba ko sa katawan kaya lalabanan ko ang katamaran na ito.
- Kumusta na kaya si Kenneth, hindi pa rin siya nag-eemail sa akin after niya umalis ng bansa. Musta naman kaya yung iba pa naming elementary classmates, pati na rin sa high school. Hindi na kasi natutuloy ang reunion namin. Puro plano nalang palagi. Sana nga next time may mag-organize na at yung tipong may authority na mapipilitang pumunta ang bawat isa.
- Yung computer shop ni Angelo, wala pa ring pagbabago. Kaunting ayos na lang sa bintana at mga computer equiptment masisimulan na siya. Mas anxious pa ako na magsimula ang business niya kesa sa may-ari mismo.
- Excited na rin ako sa incoming GEB doon sa group na kinabibilangan ko sa Uzzap. Finally kahit papano masasabi ko na "at home" na ako at ma-eexpress ko na mga nasasaloob ko nang walang restrictions whatsover.
-Lovelife? Asa. Hindi ko na muna iniisip yan ngayon. Ilang beses na akong nabigo ngayong taon palang at ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Marami na akong iniisip at ayoko nang madagdagan pa iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Retrotonous
Post a Comment