Deyt sa Beywok

Kahapon excited akong makita ang aking mahal, usapan namin sa MOA at 5pm. Umaambon pero manaka-naka lang throughout the travel. Akala ko late na ako 5.15pm na tinawagan ko siya. Hayz katatapos palang niya maligo. Anung oras na naman kaya ako mag-aantay sa kanya, sabi ko. I waited for 2 hours sa kanya. Tinubuan na ako ng ugat sa aking kinauupuan. Around 7.45pm dumating na rin siya. Sobrang inis ko talaga that time, everyday nalang na magkikita kami nagkakaroon ako ng record sa long wait para sa kanya.

Well kailangan kong ilabas ang galit na ito kaya naman nasabunan ko siya nang kaunti. Hindi naman niya gaano pinansin at siya na ang sorry sa akin. Ganito lang talaga ako, once na na release ko na ang inis at galit ko, wala na ito at Ok na ako. Anung magagawa ko hindi ko magawang magalit sa kanya kasi mahal ko siya. Wala kaming mahanapan na kainan since sa oras na iyon jampacked lahat ng resto sa MOA sa we decided na magpunta nalang ng Robinsons Malate at dun kumain sa isang fastfood. Unting usap then lumabas na kami.

I have no idea kung san kami after kung hahatid ko naba siya pauwi or liwaliw muna. Niyaya niya ako na magpunta sa Baywalk. Kala ko naman nawala na ito nang pinagaalis ni Mayor Lim, iyon pala yung mga bazaar lang. Daming mga lovers, hindi kami makapwesto. Naglakad-lakad na lang muna. Natatawa nalang kami sa isa't-isa nang inangkas ko siya at binuhat sa aking likuran. Tawa nang tawa naman si mahal. Hanggang sa makarating sa Star City, potek mahal ng rides. Hehe! Next time nalang siguro.

Binanggit ni mahal na may pasok pala siya bukas ng 10am, nainis ako kasi bakit hindi niya sinabi agad sa akin. After that dali-dali kaming naghanap ng apartelle para makatulog siya at umalis nalang nang maaga. The rest is history. Hehe! Nagising kami kanina mga 4am, nag-ayos at naglakad-lakad na pauwi. Masaya ako kasi never pa akong nakapunta sa area na iyon at though a bit culture shocked sa mga nakikita (mga beer garden, maraming nasa bangketa natutulog, madumi at hindi kanais-nais na tanawin); mabilis namang nasanay ang aking mga mata sa mga tanawin sa kalakhang Maynila. Masarap dahil madaling-araw nun at medyo malamig pa.

Iniisip ko, sana tumigil ang oras para sa amin. Ang saya-saya ko pag kasama ko siya. Parang paraiso kapag kasama ko siya. Ayoko nang sumakay nang bus nang mga sandaling iyon at gusto ko na makapiling pa siya ng kahit ilan pang minuto, pero kelangan na niyang umuwi dahil may pasok pa siya. Nagpaalam kami sa isa't-isa bandang 6 ng umaga. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mukha habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Sana maging madalas ang ganung pagkikita namin ni mahal.

6 Reaction(s) :: Deyt sa Beywok

  1. pwede paki-litanya kung ano yung "the rest is history"? hehehe! - Hardc0re

  2. haayy, sarap ma-in love. :)

  3. @hard
    may ganun talaga. nde na wholesome ang blog ko kung pati iyon isasama.

    @aris
    aww. ikaw rin naman koya aris laging in love.

  4. oo nga dapat detailed ung d rest is history...tnt

  5. ka-miss makipag date.... Cnu pwede?hehe

  6. kaw pa best mawawalan. hehe. tara baywalk tayong apat.