Kaka-miss

Naabutan ko pa kanina ang kaulapan bandang hapon. Gaganda ng kulay ng mga ulap. Parang cotton candy na masarap abutin at kainin. Naalala ko na naman ang aking kabataan lalo na nung elementarya.

Tuwing recess time namin at maulap. Nahihiga ako sa damuhan sa oval area ng paaralan namin. Sabay tingin sa kalangitan. Nakakawala ng pagod at mga problema ang pagtingin kong iyon. Iniisip ko ang aking mga pangarap at mga landas na aking dapat tahakin habang naamoy ang bango ng sariwang damuhan.

Dahil na rin sa aking trabaho, mapa-umaga man o gabi. Wala na akong pagkakataon na masilayan ang mga ulap tuwing takipsilim at mamalas ang kakaibang tuwa na nararamdaman habang pinapanood ang mabagal na paglubog ng araw at paggalaw ng mga ulap na ihip-ihip ng hangin. Maski sa weekends, nagiging busy na rin ako.

Pipilitin ko pa rin na magkaroon ng panahon para sa ganitong bagay hindi lamang sa pagmalas sa mga ulap ngunit pati na rin sa mga bituin sa kalangitan pagsapit ng gabi.

0 Reaction(s) :: Kaka-miss