Friday 2000H - Usual heavy rains na naman. Tiningnan ang weather bulletin ng PAG-ASA, naalarma kasi naalala ko na naman ang typhoon track na ito kagaya ng dati na pag tumatawid malapit sa amin (Rizal ) ang bagyo, asahan mo na pinsala na naman at matagalang brownout at walang tubig. Pero still praying na hindi nga maging ganun.
Saturday. 0630H - Got out from the office. Grabe ang itim ng ulap. Any moment babagsak na siya. Nagtaas na ng public storm signal sa ibang area ng Luzon. After a couple of minutes, lumakas na nga siya at nagpatuloy at biglang humina nang palapit na ako sa terminal.
0800H - Just got home, naabutan ko pa silang nagpapatuyo ng sahig dahil pinasok na naman sila ng baha at malakas daw ang ulan kagabi. Nakanood pa ako ng X-Files at ibang show bago naantok.
1200H - Nagsimula na namang lumakas ang ulan at kasama na ang hangin. Sa aking tantya malapit na sa amin ang mata ng bagyo base na rin sa gustiness ng hangin.
1500H - Naramdaman na namin ang full force ng bagyo. Grabeng lakas ng hangin. Ngayon ko lang naranasan ang ganito na halos mabali na ang mga sanga ng puno at bubong ng bahay sa lakas ng hagupit ng bagyo. Samahan mo pa ng malakas na buhos ng ulan. Nakatulog ulit dahil sa lamig ng panahon sa taas ng bahay namin.
1600H - Tuluyan nang nawalan ng kuryente (kasama na ang tubig) sa aming area. Samantala patuloy ang pagpasok ng tubig sa aming bahay. Malakas ang pasok ngayon at sa loob lamang ng ilang minuto, hanggang sakong na ang tubig. Waterworld na naman sa akin ulit, lutang ang ibang tsinelas. Inakyat na namin mga pwedeng maabutan ng tubig-baha.
1700H - Hindi na ako nakatulog mula nun, simula nang patuloy sa pagbuhos ng tubig-baha sa aming bahay sa harap at likuran. Pati mga kapitbahay namin eh hindi rin nakaligtas sa hagupit ni Ondoy. Pinanood nalang namin ang mga taga sa amin na naliligo at naglalaro sa baha. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito.
1900H - Dahil walang kuryente, nagpalipas ng oras ng pagbabasa ng ilang libro sa tanglaw ng kandila. Hanggang sa makatulog na bandang hatinggabi. Dumating si Auntie dahil nag-aalala dahil hindi pa umuuwi ang aking pinsan dahil walang signal ang lahat ng network at empty batt na halos kami, wala rin kaming nagawa kundi pagdasal nalang na nasa mabuting kalagayan siya pati na rin si Papa na hindi rin namin makontak.
Sunday 0830H - Tinanghali na ako ng gising. Naaninag ko na ang sinag ng araw mula sa loob ng bahay. Pagbungad mo agad sa labas, mga nakatumbang mga sanga ng puno at ilang yero. Mabuti na lang at walang nasaktan sa aming lugar.
1000H - Pumunta sa bahay ng aming tita sa pag-aakalang nabalik na daw ang serbisyo ng tubig sa kanilang lugar. Sa aking mga narinig mula sa balita sa paligid. Pasalamat pa kami at mababa lang ang tubig-baha sa amin, hindi tulad sa ibang lugar na malapit sa may ilog na halos umabot na sa bubong ang tubig at stranded na ang karamihan. Makikita mo sa kalye mga taong putikan mula sa paa pataas. Pumipila sa mga tindahan pantawid-gutom mula pa kagabi.
1100H - Pagdating kina Auntie, halo-halong kwento pa ang aming narinig. Yung ibang subdivision, hanggang bubong at ilan sa kanilang ari-arian ay naanod ng baha. Sobrang laki ang itinaas ng ilog na umabot siya sa kalapit na mga resort na kung saan nasilayan ko mismo ang sira-sirang pader at maputik na swimming pool. Dumaan ako sa Mercury para bumili ng supplies (dahil sarado ang palengke at mga grocery stores), mahaba ang pila at generator lang nagpapagana dito. Nagkakaubusan ng tubig, kandila ilang pagkain gaya ng instant noodles. Patuloy ko paring narinig ang ilang mga kwento ng mga nasalanta ng baha, mayaman man o mahirap.
1300H - Nasa bahay lang at dahil walang kuryente at empty batt na rin ako, walang magawa kundi magbasa lang ulit ng libro hanggang sa kinagabihan. Nakauwi na rin ng ligtas si Papa (na sumabit na lang para lang makauwi) at aking pinsan (na mula Regalado, stranded sa may Litex, napilitang umangkas papuntang San Mateo hanggang sa makauwi na rin).
Monday 0800H - Wala pa ring tanda na magkaka-kuryente. Mula pa Biyernes ng gabi nawalan ng kuryente at umaasa kami na sana magkaroon na, the sooner the better. Lahat ng tao sa amin, nag-iigib na sa tubig poso para sa pampaligo at pumipila sa mga water station para sa tubig. Hindi pwedeng laging ganito. Tiyak marami ang magagalit kung tatagal pa ng ilang araw na walang kuryente at tubig. Manaka-nakang umaabon pero hindi na kasinglakas kagaya noong Sabado. Basa lang ulit ng libro to kill time.
1600H - Pumunta kina Auntie para makiligo. Hayz, sana magkaroon na ng kuryente sa aming lugar. Palagi na lang kami ang least priority ng Meralco. Hindi pa ako nakakasagap ng balita sa labas dahil na rin walang kuryente at empty batt ako. sa ngayon unti-unti nang bumabangon ang aming lugar at sa loob ng ilang mga araw inaasahan kong babalik na sa normal ang lahat. Umaasa ako sa kakayahan nating mga Pinoy na sa kabila ng kabila-kabilaang unos eh makakaraos pa rin tayo at babangon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
montalban ka diba?
matindi rin ba jan?
sa sta.lu stranded kame
buti sa bahay walang baha
hay...
Anonymous
September 29, 2009 at 10:27 AMmatindi kasi malapit sa ilog ang bayan at kapatagan pa siya. abot bubong ang karamihan kaya't maswerte pa kami at hanggang tuhod lang sa amin.
Jinjiruks
September 29, 2009 at 8:56 PM