Yesterday morning, feeling ko lalagnatin ako. Nagpaulan kasi ako last Friday night at siksikan pa sa MRT-Ayala that time. Pagkauwi sa bahay, nagpaantok lang sandali pero nilalamig ako kaya nagkumot na usually hindi ko ginagawa.
Wala nang sama ng panahon at nagbabalik na sa dati ang lahat pagkagising ko. Wala rin namang magawa sa bahay. Wala paring GPRS sa aming area kaya hindi ako makapag-Uzzap. Maski ang SmartCall wala ring silbi. Ewan.
Kinagabihan. Sobrang bored. Naglakad-lakad lang sa labas namin. Nilakad ko papuntang Mercury, bumili lang ng ice cream and chips then umuwi na rin. Pagkauwi nanood ng DVD, natapos ko na rin ang X-Files (for about 3 months), medyo nabitin ako sa ending kaya dapat mapanood ko ang movies nito dahil andun ang sequel. Hayz, anu naman kaya ang susunod kong panonoorin.
Madaling araw na ako nakatulog. To kill time, i opened up my digicam, tiningnan mga old pics. Natatawa nalang ako sa mga pictures namin sa CosPlay with my berks. Miss their company, sila lang nakakapag-patawa sa akin nang ganun. Iba talaga pag barkada at kababata mo. Alam nila ang kiliti mo at kung hanggang san lang distansya nila para hindi ka masaktan. Hindi katulad ng ibang tao. Walang pakialam sa iyong nararamdaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hala may patama
Anonymous
October 5, 2009 at 4:25 PMhala. general po iyan.
Jinjiruks
October 5, 2009 at 9:30 PM