Habag

Hayz, naaawa ako sa kuting sa ilalim ng Kalayaan flyover. Last Wednesday morning ok pa siya pero mukhang nanghihina na dahil nakahiga lang. Gusto ko sana bigyan ng pagkain pero nagmamadali ako. Kinabukasan (Thursday morning), nakita ko nalang siyang nakahandusay at walang malay kung san ko siya huling nakita. Naiinis ako kung bakit hindi ko pinakain yung kuting.


Biglang kong naalala ung aso sa bandang Litex naman, medyo deteriorating na rin ang kanyang condition. Masama nito, sinagasaan pa ang lower part ng kanyang katawan. Nakakaawang pagmasdan na pilit siyang bumabangon, hindi iniinda ang sakit kahit alam niyang wala nang pag-asa at inaantay nalang niyang sagasaan siya ng mga mabibilis na sasakyan.

Masakit talaga sa kalooban pag nakikita ko mga ganitong eksena, at alam ko marami pang ganyang mga aso at pusa na pinapabayaan at hinahayaan nalang na mamatay at hindi inaalagaan. Kung pwede nga lang na ampunin ko sila kaso meron na rin akong sariling mga alagain at hindi ko na kakayanin pang magdagdag pa. Sa mga namatay na mga hayop, sana nasa mabuting lugar na kayo malayo sa noong nabubuhay pa kayo at pinipilit mabuhay sa isang mabangis na lungsod.

0 Reaction(s) :: Habag