Met Arcin yesterday sa St. Francis, then sumakay sa FX papunta sa kanila. Bumili sandali sa Quiapo ng DVD ng Legend of the Seeker, mahirap kasi panoorin sa YouTube lalo na't minsan hindi ok ang connection. After that, diretso na kina haus nina Arcin. After kumain natulog nang mga ilang oras, then nag-text si Christian na by 3am sa Malate daw (undertime na lang daw siya).
Nagising kami by 10am, nag-net muna sandali to kill time. Nauna kaming dumating bago si Blast. Hindi na ako nakisali sa inuman nila, nag milktea lang ako. Daming pinagusapan, daming kwento ni Blast. Walang tigil kakatawa namin. Wag na yung details, privacy daw. Inabot na ng umaga silang dalawa. Medyo lasing na sila. Mukhang ako na naman aalalay sa mga ito.
Naglakad lang saglit sa Baywalk, loko itong si Christian lahat ng nagjo-jogging hinaharang at yung mga sasakyan, gusto magpabangga, itong namang si Arcin, puro bulalas at namumula na. Ako na hindi lasing ang mas kinakabahan sa mga ito. Dumaan lang saglit sa work area ni Blast, naki-CR then hinatid na rin si Arcin pauwi sa kanila.
Salamat nga pala Christian sa noodles at choco-yey! Bait-bait mo talaga, good luck dun sa kung anu man iyon. TNT. Mami-miss ko ito (puntong Kapampangan) hehe! Hanggang sa susunod. Halos 11am na ako nakauwi sa amin. Nagpa-antok lang saglit habang nanonood ng biniling DVD. After maligo, nakatulog na rin by 1pm.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Nomu
Post a Comment