Last Thursday night, 6pm na ako nagising. Supposedly may get together ang college berks ko dahil si Bradley aalis na naman patungong New York (bakasyon mode for a week sa Pinas) and flight na niya Friday noon. Almost 8pm na ako nakarating sa SM Fairview, traffic pa rin kasi at nasa rush hour pa. Idagdag mo pa na ilang metro nalang sa SM saka pa nagpa-gasolina si manong at mahaba pa ang pila. Sino ba naman ang hindi ma high-blood niyan.
Pagdating ko sa YellowCab naabutan ko na agad sina Bradley, Tere, Neri, Arnold and Lester. Nakasalang sa mesa 2 box ng pizza at isang large bucket ng chicken. Pagtingin palang, hindi ko na alam kung mauubos ba namin iyon. Binigyan agad ako ng plate ni Brad at siya na ang naglagay ng slices of pizza at chicken. Ayun kaunting kumustahan dito at doon. Siyempre na-miss ko si Bradley kasi it's been a while (mga 2 years na ata) since last kami magkita. And napa-whoa talaga ako dahil ang dating botchog ngayon gymfit na at medyo baliktad pa kami ng kalagayan ng katawan ngayon. Nakakahiya talaga. Hehe.
Dumating si Charlene ilang minutes after ko dumating then, si Aryeh naman - sumaglit lang din para makibalita. Puro tawanan lang at bali-balita ulit. Ang word for the day "Sola", isang brand ng beverage. Kami lang ang malakas tumawa sa area namin dahil puro Solahan nalang ang usapan. Sinariwa namin ang nakaraan nung nasa kolehiyo palang kami, mga nakaraang professor namin lalo na si Mam Ruby na dati eh tatlong oras naming pinagusapan at sumakit ang tiyan kakatawa.
Past 10pm, magsasara na mall, kailangan nang maghanda sa pag-alis, nauna na sina Lester, Arnold at Aryeh sa pag-alis (hanep me mga wheels, kainggit); dapat sana nakisabay nalang ako sa kanila para hindi na ako gumastos pa. Siyempre picture-picture muna. Kasi next year pa babalik si Brad. Mami-miss ko ang pag-chow at mga kalokohan namin. 'Till then Bradley. Have a safe trip pabalik sa Tate.
0 Reaction(s) :: Si Chowmaster/Solaboi Bradley
Post a Comment