Buong linggo la akong ginawa kundi tumambay sa computer shop ng barkada ko. Nagpapalipas lang ng oras. Nag-iisip. Minsan praning na sa ilang kadahilanan na mahirap sabihin in public. Kelangan ko rin siguro ng time na makapag-isa. Mag-isip kung anung hakbang ang susunod na gagawin. Ewan ko. Gusto ko mag-unwind ulit. Pag-isipan mga ginawa kong aksyon na siyang nagpabago na naman sa takbo ng buhay ko.
Kanina uminit na naman ulo ko sa haba ng pila ng ATM sa may banko sa amin. Paano kasi iyon lang ang matinong banko dun. Sana naman madagdagan pa para hindi ganun kahaba. Nakakainis lang kasi ang mga taong kung mag withdraw ginawang papalit ng buong pera ang ATM. Mag withdraw ng 400 or 900 para lang maraming 100. Ewan mga bwisit kayo. Bumili nalang kayo sa Mercury drug para mapalitan yan. Isali mo na rin ang mga matatanda na hirap nang magbasa sa screen ng ATM. Kung bakit kasi mag withdraw sila eh nde naman nila mabasa. Kaasar, imbes na sandali lang ang transaction sa ATM tumatagal ng mga 2-3 minuto. Next time magsama kayo para siya na lang ang mag withdraw sa inyo. Mga istorbo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
jin.. wag highblood... masama yan... di kaya dapat mo ng i consider ang pagpapagawa ng sarili mong bangko na may sariling ATM? watdyutink? peace!!
petski
November 25, 2009 at 10:57 AMkapag may pondo galing sa iyo. why not dba!
Jinjiruks
November 25, 2009 at 9:58 PMOh no this must be a sign of andropause... tsk tsk
iAmGawwy
December 1, 2009 at 2:41 AMyeah this must be it.
Jinjiruks
December 1, 2009 at 11:16 AM