Maagang nagising kanina, nanood ulit ng Lord of the Rings trilogy, sobrang haba ng film na tinapos ko nalang muna ang first part. Kahit ilang beses ko nang pinapanood ang movie, hindi pa rin siya nakakasawa. Nakakaiyak lalo na nung nahulog si Gandalf kasama ng Balrog. Kainis, nararamdaman ko talaga ang mood ng story.
Iniisip ko sa sarili ko, sana andun nalang ako sa loob ng movie at kasama sila sa mga adventures nila. Nakakapagod na kasi minsan ang real world. Hindi na ako masaya at enjoy sa buhay. Nawala na ang thrill gaya nung kabataan ko pa, sa dami ng mga problema at iniisip sa buhay.
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na sana man lang kahit isang beses lang sa buhay ko, maranasan ko ang totoong adventure gaya ng pinapangarap ko noong bata pa ako. Alam ko imposible ang mga napapanood mo na ganung tipo ng paglalakbay. Ewan ko, gusto ko minsan magpakalayo-layo dun sa lugar na hindi ako kilala, makikipagsapalaran sa ibang tao at makapunta sa ibang exotic areas na hindi pa nararating ng kabihasnan.
O kaya mas malapit sa realidad, kung saan makapunta sa ibang malalayong lugar, kahit mini out of town ng isang linggo; being one with nature. Hay, ang sarap siguro nun at kahit papano maiibsan ang stress at pagod na aking nararamdaman, moment of peace. O di kaya extreme games din, gusto kong subukan mag skydiving, kayak, bungee jumping mga ganun lang kung saan may thrill at nagpapalakas ng tibok ng puso mo.
Hindi naman mangyayari iyon kung uupo lang ako dito at mangangarap, siyempre kelangan may gawin din ako para matupad ang mga iyon. At gusto ko kasama ko ang aking mga kaibigan pag nangyari iyon. Iyon na siguro ang isa sa mga masasayang mararanasan ko sa aking buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Thirst for Adventure
Post a Comment